Aug 11, 2007

Ruffa, masaya sa pagdating ni Yilmaz

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Huwebes nang ikuwento sa amin ni Ruffa Gutierrez na darating ng bansa ang estranged husband niyang si Yilmaz Bektas.

Huwag daw naming sabihin kahit kanino. Huwag na rin daw naming isulat para hindi dumugin ng press sa airport ang pagdating ng Turkish-businessman.

"Naku, hindi ko talaga ipagsasabi at isusulat at baka masira ang credibility ko at wala namang Yilmaz na dumating, ha!" sey namin kay Ruffa.

"Totoo nga. Bakit ba ayaw mong maniwala? Basta, darating

siya. Nandoon na siya sa bahay ng parents niya at nagpapaalam na pupunta rito," ang pagkontra sa amin ng aktres.

Isa sa mga dahilan ng pagpunta rito ni Yilmaz ay b-day ng anak nilang si Lorin noong Agosto 3.

Ang nanay ni Ruffa na si Annabelle Rama ay hindi excited sa ibinalita ng anak.

"Naku, hindi ako naniniwala. Noon din, tawag nang tawag si Yilmaz kay Ruffa. Nasa Hong Kong na raw. Nasa Shanghai, pero wala naman.

"Palagi namang ganyan. Kapag nandiyan na si Yilmaz, saka pa lang ako maniniwala," pahayag ni Bisaya, na nakipagpustahan ng P10,000 kay Ruffa.

"Hindi darating si Yilmaz, maniwala ka sa akin. Ako ang mananalo sa pustahan namin ni Ruffa!" mariing pahayag sa amin ni Bisaya noong Huwebes nang gabi.

Pa-easy-easy lang kami kahit kinukulit kami ni Ruffa tungkol sa taping niya kahapon para sa Kokey.

Ilang eksena raw siya? Anong oras matatapos?

Kahit nangungulit na si Ruffa, mas gusto pa rin naming paniwalaan si Bisaya na hindi matutuloy ang pagdating ni Yilmaz.

Kaya nagulat kami nang tawagan kami ni Mario Dumaual ng TV Patrol.

"Jun, darating na si Yilmaz. May nakakita sa Dubai (UAE) kanina. Sumakay na ng Emirates. Bago mag-alas-singko ang dating!" sey sa amin ni Mario, at nagsinungaling pa kami na wala kaming alam.

Kaagad naming tinawagan si Ruffa.

"Naku, alam na ni Mario Dumaual. For sure, malalaman na rin ng lahat," sey namin kay Ruffa.

Maya-maya lang ay tumatawag na si Ricky Lo (Philippine Star) kay Ruffa para sabihing may nakapagsabi na sa kanila na darating si Yilmaz.

Nasa airline manifest daw ng Emirates ang pangalan ni Yilmaz.

"I told you, darating talaga si Yilmaz!" ang tanging reaksyon ni Ruffa.

Si Bisaya naman ang tinawagan namin. Nasa Cebu City ang nanay ni Ruffa.

"Hintayin muna natin na dumating nga," sagot sa amin ni Bisaya, na hindi matanggap na matatalo na siya sa pustahan nila ni Ruffa.

Bago mag-alas-singko ay dumating si Yilmaz.

Nagkagulo sa airport. Maraming press na nakatunog ng pagdating niya.

Tumawag kaagad sa amin si Ruffa.

"Dumating na nga. I told you!" halatang masaya ang tinig ni Ruffa, na naiintindihan namin dahil kahit ano pang gulo ang nangyari sa kanila ni Yilmaz, tatay pa rin ‘yon ng kanyang mga anak.

Noon pa kasi sinasabi sa amin ni Ruffa na miss na miss na nina Lorin at Venice ang kanilang "Baba" (tawag ng mga bata sa kanilang tatay).

Naloka lang si Ruffa nang may ilang crew ng ilang TV shows ang nagsuguran na sa taping ng Kokey at gusto siyang interbyuhin, pero ayaw niya, kaya kaagad na niya kaming pinapunta sa set.

Kami na ang nakiusap sa crew ng mga TV show na ‘yon na hindi pa handang magsalita si Ruffa dahil ni hindi pa sila nagkikita ni Yilmaz.

Nang makaalis na ang mga crew ng mga TV show, nag-usap na kami ni Ruffa.

Ayaw mag-elaborate ni Ruffa sa pahayag daw ni Yilmaz sa mga reporter sa airport na nagkabalikan na sila.

Basta masaya si Ruffa nang ikuwento niya sa amin na masayang-masaya ang mga anak niya nang makita si Yilmaz.

"Nagtatalon ang mga bata. Sabi ng yaya nila, tuwang-tuwa sila sa pagdating ni Yilmaz. ‘We love you, Baba’ at ‘We miss you, Baba’ ang dialogue kaagad ng mga bata sa tatay nila.

"Teary-eyed nga raw si Yilmaz. Sa excitement ni Venice, gusto niyang buhatin ang isang malaking flower vase para ibigay sa kanyang tatay.

"Ganoon na-miss ng mga bata ang tatay nila, kaya natutuwa ako sa pagdating ni Yilmaz," kuwento ni Ruffa.

Ang una raw pagkaing hinanap ni Yilmaz ay halo-halo.

Nagpakuha raw kaagad si Yilmaz ng halo-halo. Ang panghimagas na ‘yon ang pinakagusto ng Turkish-businessman sa mga pagkaing-Pinoy.

Mga damit at mga sapatos ang mga pasalubong ni Yilmaz sa kanyang mga anak.

"Kaya lang, ang liit kay Venice ng mga damit. Kay Lorin, eksakto lang, kaya ipamimili na lang namin si Venice.

"Akala yata ni Yilmaz, eh, maliliit pa ang mga anak niya. Eh, ang laki na nina Lorin at Venice.

"Mamayang gabi, tabi-tabi raw matutulog ang mag-aama. Masaya naman ako. Miss na miss na kasi nila ang isa’t isa," pahayag ni Ruffa.

Panay raw ang harutan ng mag-aama.

Tungkol sa feelings nila ni Yilmaz sa isa’t isa, nagpahayag si Ruffa na huwag na muna siyang tanungin tungkol doon.

Basta, gagawin daw nila ni Yilmaz ang lahat para mapasaya ang kanilang mga anak.

Ngayong araw na ito ay may shooting dapat si Ruffa para sa Desperadas, pero pinagbigyan ng Regal Entertainment producer na si Mother Lily Monteverde na ilipat sa Martes ang shooting nila.

Alam ni Mother Lily na kailangang magkasama at magkausap din ang kayang mga inaanak (ninang ito sa kasal nina Ruffa at Yilmaz).

Malamang bukas ay samahan ni Yilmaz si Ruffa sa The Buzz and who knows, mag-guest na rin ito nang live sa show ng misis.

Siyanga pala, very positive ang feedback sa pagpunta ni Yilmaz rito sa ‘Pinas. ‘Yun daw ang pinakatamang ginawa ng mister ni Ruffa.

At least, maaayos kung anuman ang naging prolema nila. Pero siyempre, hindi basta iiwanan ni Ruffa ang kanyang career dito sa ‘Pinas.

Malamang na si Ruffa ang mag-treat kay Yilmaz mula sa P10,000 na napanalunan niya sa pustahan nila ni Bisaya.
Jun Lalin
Abante-Tonite

1 comment:

Anonymous said...

silly bitch... so where's this-- the storm has passed... I've moved on?????

that Mama Lily-- one of the ninangs at that bigamous wedding??? what does she have to say about it having been made a fool???!!!

this lame Phil entertainment press 'easily' forgets that was a bigamous wedding!!! facts don't change, dearies-- ONLY LIES!

Bektas is the father of those kids-- that's fact-- but everything else about this marriage is ALL HOGWASH-- FROM BEGINNING TO NOW.....BULLSHIT!