Aug 6, 2007

Roxanne Guinoo ngarag sa work

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Tsugi na nga si Roxanne Guinoo bilang isa sa mga co-host ni Willie Revillame sa Wowowee. Kahit masama ang loob ay walang nagawa si Roxanne kungdi tanggapin ang desisyon na yun ng management.

Last July 31, ang huling araw ni Roxanne sa naturang noontime show at sa mismong araw na ring ‘yun nalaman ng niya na last day na niya ‘yun at ang nagparating sa kanya ay ang business unit head na si Ms. Cynthia Jordan.

Kung ilang oras nagkulong sa dressing room si Roxanne at nag-iiyak daw

ito nang husto. To the rescue naman agad ang napabalitang kasintahan na niya ngayon na si Jake Cuenca pero maski raw ang young aktor ay hindi agad kinausap ni Roxanne.

Nang lumabas na si Roxanne sa naturang dressing room ay kinausap ang Tv host aktres ni Willie Revillame mismo at sinabi raw ng host ng Wowowee na pansamantala lang daw naman ang pagkawala ni Roxanne sa show at bilang pakunsuwelo ay binanggit pa raw ni Willie na kukunin pa rin naman daw nila si Roxanne sa mga darating na panahon.

Ang pagiging sobrang busy ni Roxanne sa taping ng Natutulog Ba ang Diyos ang dahilan kung bakit nagdesisyon daw ang ma-nagement na aalisin ang da-laga sa noontime show.

Kuwento pa sa amin ng executive producer ng show na si Mr. Harold Nueva na naawa nga raw sila kay Roxanne dahil halos araw-araw daw ay ngarag na ngarag ang aktres.

Darating daw ito sa istudyo galing sa taping ng Natutulog Ba ang Diyos at doon na sandaling matutulog lang daw ito at pagkatapos ay doon na rin makikiligo at mag-aayos ng kanyang sarili for Wowowee.

Minsan nga raw pati si Willie Revillame ay pinahihiram na rin si Roxanne ang sarili nitong tinutulugan para lang may magamit si Roxanne. Kuwento pa rin ng source namin, madalas nga raw ay ginigising na lang nila si Roxanne sa tuwing kailangan na ito sa Wowowee.

* * *

Tipong umiiwas si Roxanne na magsalita tungkol sa isyu pero sinundan pa rin namin siya sa 6th floor ng Talent Center building kung saan naghihintay sa kanya si Jake Cuenca para naman sa dance rehearsal ng isang show na gagawin nila.

Sey ni Roxanne sa amin, wala raw talaga siyang magagawa kundi ang sundin ang desisyong yun ng management. Although, sobrang panghihinayang niya sa nawalang show pero naniniwala siya na may mga darating pa rin namang kapalit ang lahat ng nawala sa kanya.

Mahal daw talaga niya ang programang Wo-wowee at lalung-lalo na ang lahat ng mga taong kasama sa programa. Pero hindi naman kami sinagot ni Roxanne nang tanungin namin siya kung between Natutulog Ba ang Diyos at Wowowee, eh, ano ang pi-piliin niya.

Meanwhile, ilang araw nang napapanood sa Primetime Bida ang Natutulog Ba Ang Diyos na pinagbibidahan din ni Joross Gamboa, Dina Bonnevie at Rosanna Rocess.
Jaime Escala
People's Taliba

No comments: