Aug 3, 2007

Pregnant Meryll Soriano stays w/ mother after split from hubby

Natuloy na rin ang naudlot na pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa ina ni Meryll Soriano na si Bec-Bec Soriano sa solo presscon ng kapatid niyang si Maricel Soriano para sa pelikula ng Star Cinema na A Love Story kahapon, August 1.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa unang presscon kasi ng movie ng Diamond Star with Aga Muhlach, itinuro ni Maricel sa amin si Bec-Bec para sagutin ang tanong namin tungkol sa nagdadalang-tao niyang pamangkin. Pero mag-uumpisa pa lang sumagot si Bec-Bec

sa tanong namin ay tumayo na siya dahil kinailangan niyang samahang mag-banyo si Maricel that time.

Kahapon ay kinumusta namin ang kalagayan ng malapit nang manganak na si Meryll sa kanyang ina.

"Okay naman siya. Nakakapag-rest naman siya nang maayos," nakangiting sagot ni Bec-Bec.

Kinumpirma ni Bec-Bec na ilang buwan na ring nakatira sa kanya si Meryll. Patunay lang na naayos na ulit ang relasyon ng mag-ina na nagkatampuhan nang magdesisyon si Meryll na na magpakasal sa ama ng kanyang ipinagbubuntis na si Bernard Palanca.

Tulad na ng alam na nating lahat, naghiwalay na rin sina Meryll at Bernard pagkatapos lamang ng ilang buwang pagsasama. Sa first week ng September nakatakdang manganak ni Meryll.

May pangalan na ba ang unang apo ni Bec-Bec?

"Wala pa. Pero ano, it's a boy," excited na sagot ni Bec-Bec.

Sa Makati Medical Center nakatakdang manganak si Meryll, na anak ni Bec-Bec sa comedian-TV host na si Willie Revillame.

"Ay, normal siya. Kaya naman niya, e," sabi ni Bec-Bec.

Pagkatapos nito ay nagpaalam na muli ang tila mailap pa ring ina ni Meryll kaya hindi na namin naitanong sa kanya ang kanyang son-in-law na si Bernard. Pero obviously ay hindi pa rin okay sina Meryll at Bernard, na ang balita namin ay nasa Amerika ngayon.
GMANEWS.Tv

No comments: