Aug 5, 2007

Pera ang hadlang sa relasyon nina Wendy at Bruce

Finally, inamin na rin ni Wendy Valdez alyas Mar­garita na hindi pa niya maaring sagutin o maging boyfriend si PBB2 Bruce Quebral dahil pareho sila ng problema sa buhay.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“Paano ko siya sa­sagutin, e, pareho ka­ming proble­mado sa

pa­mil­ya namin, pa­reho ka­ming bread­winner, pa­reho ka­ming wala pang pe­ra, so im­bes na re­las­yon ang pag-usa­­pan namin, e, di ‘yung mga dapat na­ming una­hin, basta ma­saya kami, ga­nu’n na lang muna.

“Good thing talaga na binigyan ako ng ABS ng Margarita at ma­laking tulong talaga iyon sa akin,” kuwento ni Wendy sa pocket inter­view sa kanya ng ABS-CBN.

Naghihirap pa rin pala si Wendy? Ang buong akala ng lahat ay may sponsor ito na siya ring tumulong sa kanya during the Big Night ng Pinoy Big Brother 2?

“Helloo, kung meron man, e, di sana ipagawa na niya ang bahay na­min, para hindi na kami namumublema? Kaya nakakatawa ‘yang is­yung may sugar dad­dy o DOM ako, kasi kung meron sana unang-una kong request, pagawa niya bahay namin sa squatter o kaya ilipat niya kami sa magan­dang bahay, e, wala, nan­doon pa rin ako na­katira. At dami ko utang na binabayaran pa,” dagdag esplika pa ni Wendy.
REGGEE BONOAN
Pilipino Star Ngayon

No comments: