Aug 5, 2007

PBB’s Wendy Valdez: ‘I don't want to live for others'

Nagpatawag ng solo presscon ang ABS-CBN para kay Wendy Valdez kaugnay ng kanyang first solo show na Margarita. Ayon sa ABS-CBN, sa pilot episode daw ng naturang teleserye ay naungusan nito sa ratings ang katapat nitong programa sa GMA-7, ang Taiwanese craze na Meteor Garden.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa the press conference, direktahang itinanong kay Wendy kung totoo ba ang mga balitang lumalabas na walang gaanong advertisers na gustong mag-place ng ads sa Margarita dahil

sa negative image ng Pinoy Big Brother ex-housemate.

Ayon kay Wendy, "Hindi ko po alam kung may ganyan nga. Kung meron man po, maiintindihan ko sila dahil siyempre, may mga tao talagang mababait. Ayaw nila akong tigilan. Ang alam ko, may balik din sa kanila ang lahat.

"Pero siguro po naman, hindi naman lahat ng advertisers ay ganun kababaw. May mga spot naman po na naglalagay ng ads nila sa show, nakikita ko rin naman. Siguro lang, dahil nagsisimula pa lang kami, natatakot pa lang ‘yung iba. Pero later on, mari-realize rin nila na maganda ‘yung show."

Nagbigay rin ng pahayag ang head ng Corporate Affairs ng ABS-CBN na si Bong Osorio tungkol dito.

"Hindi naman po totoo dahil marami naman pong ads ang Margarita," sabi ni Bong. "And siguro, dapat lang i-clear na ang show ay hindi sexy. Nagkataon lang na sa trailer, ‘yung sexy part ang ipinapakita and that is to attract attention of the viewer. But basically, the show is about the triumph of the women."

STAY THE SAME Marami man ang nasa-shock, pero tila pinaninindigan talaga ni Wendy ang kanyang attitude na unang nasaksihan ng mga tao sa loob ng Bahay ni Kuya noon. Ayon sa kanya, wala raw siyang planong baguhin ito para lang magustuhan na siya.

"I believe in being true kasi kung ayaw pa rin nila, bahala na sila," prangka niyang sabi. "Basta ako, I don't want to live for other people. Kasi kapag ginawa ko ‘yon, hindi na ako ‘yon. Hindi masaya."

Tinanong din kay Wendy kung psychologically ba kaya parang ipinapakita niya ang kanyang "I don't care" attitude.

"Siguro nagiging I don't care siya, kasi kapag iniisip ko ‘yon, parang pinatulan ko sila. Feeling ko, parang mas mababa pa ako sa kanila," paliwanag niya.

Magkaganuman, hindi naman itinatanggi ni Wendy na kung may gusto man siya ay ang mahalin pa rin siya sa kabila ng kung ano siya talaga.

"Siyempre naman, lahat naman ng tao, gusto pa rin to be loved, hindi ‘yung hate siya," sabi niya.

Nang tanungin naman ng PEP si Wendy kung walang-wala na bang problema sa kanilang tatlo ng mga nakasamaan niya ng loob sa Bahay ni Kuya na sina Bea Saw at Gee-Ann Abrahan, sinabi niyang okay na sila. Basta sa kanya raw, wala na ‘yon.

Hindi ba niya nararamdaman na posibleng may naiinggit sa kanya dahil mas nauna pa siyang nabigyan ng break at sariling soap opera?

"Hindi ko po alam kung may naiinggit," sabi niya. "At saka, please lang, huwag na silang mainggit dahil hindi madali. Hindi madali ang ginagawa ko. Ang hirap, everyday, taping. Hindi naman ako nagrereklamo, happy ako. Pero huwag na lang mainggit. Ako na ang nagsasabi, hindi madali."
GMANEWS.TV

No comments: