Aug 13, 2007

P17,000 ang halaga ng damit na ipinagawa ng GMA 7 para sa taping ni Sunshine

Gina­gas­tusan ng prod­uct­ion ng Impos­tora ang mga damit na isinu­suot ni Vanessa (Sunshine Dizon) sa teledrama para maiba sa character ni Sara (Sunshine rin). Umabot minsan sa P17,000 ang mga damit na binili sa Sabella na ilang taping days lang ga­gamitin. Model ang role ni Va­nessa at kaila­ngang laging maganda ang damit at ayos.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Nali-link si Sunshine nga­yon sa bus­iness­man na si Jojo Man­lo­ngat.

Hindi lang sa dinner sila naki­kitang mag­ka­sama, pati sa pag­sisimba sa Christ the King (Green Mea­dows), pero nag-deny na ang actress. Ka­ibigan lang daw niya ang guy, pero alam naman natin na hindi sila mag-i-enjoy mag­kasama kundi nila type ang isa’t isa.

Samantala, sa Im­postora this Tuesday, pahihirapan ni Anatella (Chanda Romero) si Vanessa at aabot sa pag-aagawan nila ng kutsilyo ang kanilang away.

Malalaman ni Karen (Jennica Garcia) na ang nag-donate ng dugo para kay Kokai (Sam Bumatay) ay si Yago (Mart Escu­dero). Patatawarin na niya kaya ang binata?
Nitz Miralles
Pilipino Star Ngayon

No comments: