Aug 11, 2007

Mga pasahero ng PAL, nairita kay Pacquiao

NAKATUTUWA naman ang ginawa ng People’s Champ na si Manny Pacquiao na sinulat ni Nel Alejandrino dito sa People’s Tonight kahapon.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Binigyan ni Pacman ng tseke worth P350,000 ang comedian na si Long Mejia para makabili ng kahit second hand na sasakyan.

Hindi lang ’yon, isinama pa ni Manny si Long sa pinuprodyus na pelikulang Anak ng Kumander, Metro Manila filmfest entry ni Direk Kaka Balagtas.

Nalaman daw ni Manny na nag-commute lang si Long nang magtungo sa bahay

ng kaibigang si Bayani Agbayani.

Ewan namin kung tama ang pagkakatanda namin na dati’y isang magarang Ford F-150 ang minamaneho ni Long noong kalilipat niya sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Sa isang banda, hindi rin kami nagtataka kung mabigyan man ni Manny ng tulong si Long dahil sa pagkakaalam namin, malapit silang magkamag-anak.

Ang nanay ni Manny at ang tatay ni Long ay magpinsang-buo.

Nalaman namin ito sa kaibigang Amay Bisaya nang magkita kami sa magarbong birthday party ni Manny sa General Santos City ilang buwan na ang nakararaan.

Sabi pa ni Amay, special invitation pa ang ipinadala ni Manny kay Long dahil nga magpinsan sila.

* * *

PASOK na naman si Manny sa intriga. Halos kalilipas lang ng nakadidismayang pagkatalo niya sa katatapos na eleksyon, heto at ang lovelife naman niya ang kinakalantare ng tsismis.

Hindi raw totoong ang dahilan ng madalas na pag-aaway nila ng asawang si Jinky ay ang nalusaw na P200 million sa pulitika. Katuwiran ni Jinky, pera lang ’yon at madaling kitain.

Ang bumabagabag daw sa masarap na pagmamahalan ng mag-asawa ay ang madalas na pagkikita ni Manny at ng seksing si Ara Mina.

Biruin n’yo nga naman, ’yung kissing scene nina Manny at Ara sa Anak ng Kumander, siyam na beses inulit bago na-perfect?

Nu’ng umalis naman daw si Manny noong isang gabi patungong U.S. para maghanda sa laban niya kay Antonio Barerra sa October, naging cause of delay sa flight ang international boxing champ.

Ayon sa isang source, urong-sulong si Manny sa pagsakay sa eroplano habang abala sa pakikipag-usap sa telepono.

May pagkakataon pa nga raw na nag-utos si Manny na halukayin sa bagahe ang mga dala-dalahan dahil hindi na siya tutuloy, pero ilang sandali lang, pinabalik at sumakay na rin ng eroplano.

Nahihiwagaan ang source namin kung sino ang kausap ni Manny sa telepono. Nabalam daw tuloy ang PAL flight, na ikinairita ng ibang pasahero.

Sa malilikot ang isip, sasabihin nilang si Ara ang kausap ni Manny sa telepono. Pero sa matutuwid ang isip, siyempre, ang asawang si Jinky ang iisiping nasa kabilang linya ng telepono.

Para sa amin, baka bahagi ito ng promo ng kanyang MMFF entry. O, sige, sakay na!
Mar D' Guzman Cruz
People's Tonight

No comments: