Aug 1, 2007

MARIAN RIVERA, pinaghandaan ang ‘Marimar’

kumuha ng choreographer para turuan siyang magsayaw bago nag-audition, ngayon nag-aaral naman kumanta
Boses lamang ang kulang parang maging isang perfect Thalia, ang original na gumanap ng Marimar sa Mexican telenovela, si Marian Rivera na napili ng GMA7 na gumanap ng role na unang pinasikat ni Thalia.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Bagaman at kumakanta si Marian, hindi siya convinced na ganun kaganda ang boses niya kaya kumukuha siya ng voice lessons sa kasalukuyan. Kumuha rin siya ng isang professional

choreographer para siya turuang magsayaw, bago pa siya nag-audition for Marimar. Bumilib nga sa kanya ang mga nagbigay ng audition dahil napakarami niyang dinalang dance music.

Ayaw sanang mag-two piece ni Marian sa kanyang audition pero, nang makitang naka-bikini ang lahat ng kukuha ng audition ay na-challenged siya, nag-two piece na rin siya.

Marami sa mga nakakita na ng malalaking poster (both solo and with Dingdong Dantes) ni Marian bilang Marimar ang very impressed sa ganda ng pagkakagawa ng mga ito. Marami rin sa kanila ang hindi agad nakilala ang aktres kahit pa marami na itong ginawang teledrama para sa TAPE at maging sa GMA dahil talagang nagbago ang kanyang looks. Akala nga nila ay isa itong bagong artista.

Yun pa ring Marimar ang mapapanood ng mga televiewers. Tinagalog lang ang script nito at nilagyan ng mga local flavor. Sa local version, ipakikitang talagang mahilig sumayaw si Marimar.

Para naman sa popular niyang aso na si Fulgoso, boses ni Bitoy (Michael V.) ang gagamitin.
VERONICA R. SAMIO
Pilipino Star Ngayon

No comments: