Aug 1, 2007

Lolit Solis: Hindi ako galit sa manager ni Angel, prangka lang ako sa pagsasabi ng aking opinyon

Nakarating sa akin ang balita na gusto ni Becky na makausap ako sa pagbabalik niya mula sa London.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sure ako na naka­rating kay Becky ang aking mga pahayag at na-hurt siya sa mga sinabi ko.

Guilty ako sa pakiki­sawsaw sa isyu dahil sinagot ko ang tanong sa akin ni Mario Du­maual kahit pwede naman na “no com­ment” ang isagot ko.

Makikipag-usap ba ako kay Becky? Why not? Papayuhan ko pa siya

kung paano ma­kipag-deal ng ma­ayos sa mga tao para hindi na maulit ang kanyang ma­laking pro­blema. Sasa­bihin ko rin sa kanya ang mga pagkakamali niya.

Hindi ako galit kay Becky dahil walang da­hilan para maim­byerna ako sa kanya. Naging prangka at diretso lang ako sa pagsasabi ng aking opinyon na iki­naloka ng lahat, lalo na ang aking statement na traydor at hindi ingrata ang tamang term sa ginawa nila ni Angel.

Bilang talent man­ager, marunong akong rumespeto o gumalang sa kapwa manager pero hindi lamang ako talent manager. Repor­ter at TV host din ako kaya meron akong res­ponsibilidad sa aking readers at sa mga na­nonood ng aming show.

Nag-umpisa ako sa showbiz bilang reporter at kahit talent manager na ako, hindi ko pa rin naka­ kalimutan na utang na loob ko sa readers kung nasaan man ako kaya ka­ra­patan nilang mala­man ang katotoha­nan at mari­nig ang aking opinyon.

Darating ang araw na hindi na ako magi­ging talent manager pero hindi mawawala ang aking pagiging reporter.

No comments: