Aug 3, 2007

Juday, marunong tumanaw ng utang na loob

Ngayon si Judy Ann Santos naman ang nag­sasabing hindi siya aalis sa kanyang home network. Kung iisipin, mas nauna ngang may kumalat na tsismis na baka lumipat siya sa GMA 7 dahil sa ginawa niyang pelikula sa GMA Films. Iyon ay noong hindi pa man malay pag-usapan ang mga tsismis na lilipat sa ABS-CBN si Angel Loc­sin.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Pero naniniwala ka­mi sa sinasabi ni Juday, dahil kung iyan o kaya ang

kanyang manager ay lihim nang nakikipag-negotiate sa Channel 7, kagaya ng ginawa ng manager ni Angel nang magpasiya silang lumi­pat sa Chan­nel 2, hindi na gagawa pa ng denial ang sinu­man sa kanila.

In the first place, hindi kami nani­niwala na papasok sa isang secret nego­tia­tions ang man­ager ni Juday, dahil nagsi­si­mula pa lang ng usa­pan ay alam na ng lahat ng tao kung ano ang pi­nag-uusapan nila. Very trans­parent yang si Alfie Lorenzo. Hindi mo ma­susubukan yan na nag­tatago ng kahit na ano, lalo na nga kung con­cerned talaga ang ca­reer ng kanyang mga alaga.

Siguro ang kaibahan ni Alfie, professional talent manager kasi siya. Hindi ang panan­da­liang advantage la­mang ang kanyang ini­isip kundi ang katayuan din ng kanyang sariling ca­reer bilang isang ta­lent manager. Aba kung ma­sira ka dahil sa isang talent lang, papaano ka pa nga ba makakabawi pag­dating ng araw?

Isa pa, si Juday na­man talaga ma­ru­nong tumanaw ng utang na loob. Tingnan nga ninyo, noong mag-cele­b­rate siya ng kan­yang an­ni­ver­sary pati na yong kauna-unahan niyang manager, pina­salama­tan niya. Eh ang ibang stars, naaalala pa ba nila kung papaano at kung kanino sila tala­gang nagsi­mula?
Ed De Leon
Pilipino Star Ngayon

No comments: