Joey: Puso mahirap palitan, pamilya pwedeng dagdagan
Nasa Hong Kong ang lahat ng hosts ng Eat Bulaga! kaya hindi pa makuha ng mga entertainment press ang reaksiyon ni Joey de Leon tungkol sa pag-iyak kaninang tanghali, August 29, ni Willie Revillame sa Wowowee.
Ang pag-iyak ni Willie ay may kinalaman sa mga patutsada ni Joey tungkol sa kontrobersiyang naganap sa bagong portion ng Wowowee na "Wilyonaryo" noongAugust 20 (Lunes). Pinagdudahan kasi ng maraming nakapanood ng nasabing episode nang aksidenteng lumabas ang number zero sa wheel na dapat ay naglalaman ng number 2 sa jackpot round. Kitang-kita sa TV na nang buksan ni Willie ang laman ng violet wheel ay zero ang lumabas at ipinakita ring hinila niya ang number 2 sa parehong wheel.
Pagkatapos nito ay inulan na ng batikos ang programa ni Willie at lalo na ang kontrobersiyal na TV host. Isa na nga sa mga nagpapatutsada sa Wowowee at kay Willie ay si Joey, na kilala naman talaga sa pagiging mabiro at kapilyuhan. Pero ayon sa pamunuan ng ABS-CBN ay "honest mistake" lang daw ang nangyari at walang dayaan.
Regular columnist ng Manila Bulletin si Joey at nang mabasa namin kaninang umaga ang kanyang column na "De Leon's Den", nagkaroon kami ng duda na pagmumulan 'yon ng panibagong kontrobersiya.
Hindi nagbanggit ng mga pangalan si Joey sa kanyang isinulat na kolum, pero malinaw na sina Kris Aquino, Angel Locsin, at Willie (at ang Wilyonaryo" controversy) ang kanyang tinutukoy.
Humingi kami ng permiso kay Shirley Pizarro ng Manila Bulletin para mailabas namin dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang kabuuan ng controversial column ni Joey na may pamagat na "Transfer-Mers", kung saan muli na namang nagpatutsada si Joey sa Wowowee controversy.
"A little more than a week ago, I read somewhere in this paper that someone in the Kapamilya network remarked that, "Ang kapamilya hindi napapalitan, pero ang puso pwedeng i-transplant,"—obviously referring to the well-publicized and quite controversial transfer of a former known kapuso to their side.
"Well, maybe I thought, they even got an ovation for that statement from their audience and followers. And maybe too, the person who thought of it found the idea cute and brilliant. Hmmm... but you know, throughout history, there have been lines spoken, and even by the greatest of men, which when carefully examined closely, are silly and untrue.
"Take for instance—'You can't have your cake and eat it, too.' And, 'the best things in life are free.' Not quite true, right? Yung first one pwede siguro if you're a big star in television and you have a lot of what you call in the business—exchange deals.
"Or you're a young goddess of a woman and you have a filthy rich provider who is like a faucet—hot and cold. But all these have a "kapalit," kaya nga exchange deal, eh. In the first one, the big star will have to plug always. And in the second one, the sexy goddess will always be plugged.
"Transferring networks, or even working for some of these TV stations at the same time ("grossing the net"or "inter-networking") is not new to me. Remember, I belong to the only daily show in Philippine TV history, or maybe the world, which have aired in three different major networks; surviving and outlasting five presidents... and still counting! Yes, we are the KONTOT (Kings Of Network Transfers On Television)! We are the Transfermers!
"That is why this issue about this angel from heaven, I mean seven, who transferred to you know where, is the least of anxieties. I really just find their statement so untrue and unfair, and I feel I need to react (and besides, wala akong article for this week). O, eto na—tatagalugin ko na para mas may dating at may diin. At saka tutal Tagalog din naman yung binitiwang mga salita eh. Ready?
"Maganda lang siguro pakinggan ‘yung mga sinabi n'yo, pero ikinalulungkot ko, mali eh. Para bang isang babaeng nagparetoke—mukha lang maganda, pero hindi totoo.
"Una, pwede bang magharap kayo sa akin ng tao na nagpa-transplant ng puso na nagtagal ang buhay?! Pwede talaga, pero pwede bang magtagal?
"Pangalawa, lalo na sa panahon ngayon, ang daling magpalit ng pamilya ng mga tao. ‘Yung iba nga may pamilya dito, may pamilya duon eh. Sa showbiz na lang—ilan sa inyo at sa atin ang nagpalit na ng pamilya?
"Sa totoo lang, ito ang mas tumpak—ang puso natin ay mahirap palitan, pero ang pamilya pwede—at pwede pang dagdagan.
"At eto pa ang isang dumadagundong na katotohanan—pwede tayong mabuhay nang walang pamilya, pero hindi tayo pwedeng mabuhay ng walang puso.
"Alam nyo, may art din yung pagsundot at patama. But naturally, all these are 'tuksuhan lang.' Tayong lahat ay may mga pinagsamahan. Magkikita at maaring magkasama rin tayo balang araw. Kaya, walang pikunan. Paliwanagan lang. Biruan lang. Teasing is not bad. Cheating is... on TV!"
pep.ph
No comments:
Post a Comment