Iza Calzado to fly to Canada for 1st Hollywood movie
Masayang ibinalita ni Iza Calzado ang kanyang nalalapit na pag-alis sa Pilipinas papuntang Canada para sa shooting ng Hollywood version ng pelikulang Sigaw, ang The Echo.
Matatandaang napili si Iza upang i-reprise ang kanyang orihinal na karakter bilang battered wife sa Sigaw.
Sa thanksgiving party ng Ouija kahapon, August 3, sa 17th floor ng GMA-7, nabanggit ni Iza na wala
naman masyadong nabago sa role niya sa remake ng Sigaw.
Aniya, "I'm not sure if I'm allowed to divulge such information. May changes but basically I will still play the same person, ‘yung ghost pa rin, ako pa rin."
Naikuwento rin ni Iza kung paano siya nakuha para sa pelikulang The Echo.
"Tinanong ni Direk Yam [Laranas, director of Sigaw and The Echo] ‘yung isang casting director, ‘Do you think she has a shot in it?' Nagustuhan daw kasi nung casting director ang trabaho ko, so parang noong tinanong niya [Direk Yam], ‘Do you think she has a chance?' [Sagot ng casting director], ‘Yeah. I just need an audition material.'"
Nag-audition si Iza through a video camera at ipinadala ito sa casting director sa U.S. She did a scene from the screenplay of The Echo.
Nabanggit din ng aktres na may mga ibang nag-audition para sa role niya.
"Ang alam ko lang, I'm up against one girl na... she's not yet an actress but celebrity na siya doon. No clue, sorry," sabi ni Iza.
Samantala, agad naman na itinanggi ni Iza na malaki ang magiging talent fee niya para sa The Echo dahil pang-Hollywood ito.
Paliwanag niya, "Huwag ninyong isipin na sobrang laki kasi, kumbaga, for that production, I'm getting minimum rate. But, you know, so far compared to the other films that I've done here, it's bigger than what I've gotten here. So I think minus the taxes and all that, it's gonna amount to pretty much the same."
YAM LARANAS. Ang original director ng Sigaw na si Yam Laranas pa rin ang magdidirek ng Hollywood version nito. Para kay Iza ay mabuti raw ito dahil kahit papaano ay may Pinoy siyang makakasama na gagawa ng The Echo.
Inilarawan din ni Iza kung paano makatrabaho si Direk Yam.
"Pagdating ng alas dose, ‘Alis na tayo.' He doesn't work TV style. He doesn't believe in it, e. Sabi niya, ‘Ano pa ang ibibigay ninyo sa akin?'
"But when we get to the set, we work right away. When we get to the set, we know what to do, tuluy-tuloy kami. Ang break lang talaga namin is—noong nag-Sigaw kami—lunch, dinner, tapos when we're waiting kapag exchange ng set-up. Hindi kami ‘yong tipo na ang tagal-tagal ng waiting," kuwento niya.
EXPECTATIONS. Tutulak patungong Canada si Iza sa August 20 para sa three-week shoot niya sa The Echo. Ayon sa kanya, wala naman siyang masyadong paghahandang ginagawa para sa pagsubok ng pag-arte sa isang Hollywood production.
Aniya, "I'm trying to prepare myself kasi, you know, I can get intimidated. Siyempre, they work differently there. Even ang pagkatao ng mga Americans, may mga Europeans, di ba, they're very strong compared to Asians na very timid?
"I have no plans, honestly. I rarely expect, I rarely plan for things, I just let them be. I just have a basic na, kailangan matuto kang lumugar. Siyempre masuwerte din ako at hindi ko itatanggi ‘yon na I know that Direk Yam is there."
Sa August 13 ang start ng shooting ng The Echo, pero ang mga eksena ni Iza ay magsisimulang kunan sa August 22. Inaasahan naman na maipalabas ang pelikula sa Spring 2008. Bukod kay Direk Yam, makakasama ni Iza sa The Echo si Jesse Bradford (gaganap sa role ni Richard Gutierrez) at Amelia Warner (ang gaganap naman sa role ni Angel Locsin). Hindi pa raw naka-cast ang role ng magiging asawa ni Iza sa pelikula na ginampanan ni Jomari Yllana sa Sigaw.
GMANEWS.TV
No comments:
Post a Comment