Aug 5, 2007

Iwa Moto's b’day wish: To see her Japanese dad again

Kahit maganda na ang kinikita ni Iwa Moto sa pag-aartista, maingat at masinop pa rin siya sa paghawak ng kanyang pera. Hindi siya ‘yung tipo na bili nang bili ng kung anu-anong mga gamit.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
"Siyempre po, ‘yung mga kailangan ko lang talaga, or kailangan sa bahay. As of now, iniisa-isa ko, e. Kasi hindi pa naman ganun sobrang laki talaga ng income ko sa ngayon," panimulang pahayag niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Meron na po akong sasakyan. Isa-isa lang po kasi

hindi ko po mabigla, kasi ayoko pong bili ako nang bili ng ganito, tapos paano naman po ‘yung bukas? Paano naman ‘yung mga kapatid ko, e, nag-aaral pa," paliwanag pa ng StarStruck 3 First Princess.

Kuwento pa ni Iwa, dalawang kapatid niya ang pinag-aaral niya ngayon, isa sa elementary at isa sa college.

Dahil isa si Iwa sa mga tampok na artista sa Sine Novela ng GMA-7 na Kung Mahawi Man Ang Ulap, tinanong namin siya kung kailan sa buong buhay niya nasabi sa sariling nahawi na ang ulap o nalampasan na niya ang mga pagsubok sa buhay niya.

"Kailan ba?" tanong niya. "Nung nag-try akong mag-suicide. Sobrang down kasi ako noon, before pa po ng StarStruck. Na feeling ko, lahat ng dark clouds, nandiyan sa akin, may kidlat-kidlat pa.

"Ngayon, sobrang iba, nung naging kumpleto uli kami ng family ko. Magkakahiwalay-hiwalay kasi kami dati, e. Yaya lang ang kasama ko dati. ‘Yung mommy ko 'tsaka mga kapatid ko, nasa Davao sila."

Kailan sila nagkasama-samang muli?

"Itong artista na ako, mommy ko, mga kapatid ko tsaka ‘yung stepdad ko. Kahit wala ‘yung daddy [biological father] ko talaga, alam mo ‘yung feeling na wala ‘yung pamilya ko sa tabi ko, tapos ang dami ko pang problema? Biglang eto na, sunud-sunod na.

"Nagkatrabaho ako, naging okay na uli ‘yung ano ng family ko. Dun ko na-realize na walang ibinigay na problema ang Diyos na hindi mo kakayanin. Kasi dumating ako sa point na feeling ko, hindi ko na kaya, pero ang ending, parang okay... sinaktan ko lang ‘yung sarili ko, pero kaya ko pala," lahad ni Iwa.

Hangad daw ni Iwa na makita niyang muli ang kanyang Japanese father.

"Hopefully. Iyon ang wish ko sana sa birthday ko," asam ni Iwa who will celebrate her 19th birthday on August 29.

"I've met him, mga three to four years [ago], na nung last kaming magkita, umuwi siya dito. Hindi pa ko nakakapunta dun [Japan], eh."

Gusto ba ni Iwa na umuwi dito sa Pilipinas ang ama niya o si Iwa ang pupunta sa Japan?

"Kahit ano, basta makita ko lang siya," sagot niya. "Kahit naasar ako sa kanya, kasi kahit papaano, pinabayaan niya kami, pero alam mo ‘yon, tatay ko pa rin siya. Mahal ko siya, e."

Ayon kay Iwa, may iba na raw pamilya ang ama niya kaya kahit hindi ito makasama ng matagalan ni Iwa—kahit makita niya lang ito ulit kahit sandali—ay ikaliligaya na raw ito ng young actress.

"Alam mo ‘yung hiling na mayakap ko lang siya ulit? Masabi ko sa kanya na, ‘Pa, mahal kita, 'tsaka eto na ako, kahit papaano hindi ka na mag-aalala sa amin ng kapatid ko, puwede mo na akong ipagmalaki kahit papaano,'" halos naluluhang sabi ni Iwa.
GMANEWS.TV

No comments: