Aug 11, 2007

Eat Bulaga's Julia Clarete deceived by Hollywood reality show

Bale isang buwan lang palang nawala sa Eat Bulaga! ang isa sa mga hosts nito na si Julia Clarete matapos niyang isilang ang panganay nila ng mister niyang si Stephen Uy.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ikinasal sina Julia at Stephen noong October 22, 2006, in a beach wedding sa San Juan, La Union. Ang anak nilang si Tepid Sebastian ay isinilang noong May 15 this year. Bini-breastfeed daw ni Julia ang kanyang baby, na binigyan nila ng palayaw na Beans.

Bakit Tepid ang naisip nilang ipangalan sa anak nila at Beans naman ang palayaw?

"Extremes kasi kami ni Steven, e. Like, kung ako lang, napaka-extreme ko at siya rin

sa sarili niya. Kaya, ang baby namin ang nagiging pambalanse namin in our life now. Kaya naman 'Beans,' kasi pag nilalagay namin siya sa batya para paliguan, para siyang ‘yung pork and beans na galing sa lata," paliwanag ni Julia sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Klownz Quezon Avenue.

Pagkasilang niya kay Beans ay balik-hosting na si Julia sa Eat Bulaga!.

"One month ago lang ako nakabalik sa Eat Bulaga! Pero bago ako mag-leave, kinausap ko naman si Tita Malou [Choa-Fagar] at sinabi kong hindi ko na kaya dahil I am heavy na nga sa baby na isisilang ko. Mabait naman si Tita Malou nung sinabi ko sa kanya na I will stay for as long as I can. Tapos, I asked her kung okay ba na mag-rest lang muna ako at kung puwede pa ba akong bumalik pag kaya ko na and she said yes," kuwento ni Julia.

Naging kontrobersiyal din naman kasi at pinag-usapan ang pagdadalang-tao ni Julia dahil wala namang nakakilala agad sa kanyang naging mister.

"When I did an indie movie, ‘yung Hilaw, dun ko siya [Stephen] nakilala. Nag-production design siya sa movie. Kaya niligawan ko siya. Pareho raw kaming weird kaya bagay kami. Seriously, pareho lang kaming flirty siguro," sabi ni Julia na may halong biro .

BOGUS HOLLYWOOD DREAM. Si Stephen din ba ang dahilan kung bakit naudlot na nang tuluyan ang kanyang American dream at hindi na niya nakuha ang premyo niya sa reality TV show na Hollywood Dream? Ano ba talaga ang nangyari doon?

"Hindi si Stephen ang dahilan kaya hindi na ako umalis," paglilinaw niya. "Dahil nung manalo ako sa Hollywood Dream, that was December of 2005 ‘ata, nag-wait pa ako ng ilang months. Hanggang July [2006], wala pa ring resulta kung pupunta na ako sa US or what. June 2006 kami nagkakilala and nagkaligawan ni Steven.

"Actually, after ko manalo, meron na rin sana akong mga projects na sisimulan dito. Pero tinanggihan naming lahat ‘yon thinking na anytime nga, I will fly na to the U.S. to pursue that Hollywood dream. Bogus pala, e.

"Nakikibalita naman kami lagi. Waiting lang. E, nung bandang huli, feeling ko, Hollywood bakery lang ‘ata ‘yung pupuntahan ko. Dahil kung anu-anong excuses na ang ibinibigay nila sa amin. They were giving us reasons, like wala raw kasi akong enough credentials as an artist and I am just a neophyte in the business.

"Pero panay pa rin ang pahintay nila. E, sabi ko nga, sa contest pa lang, nung mag-audition pa lang kami, dapat alam na nila na hindi pala ako qualified, di ba? Imadyinin mo kung iba rin ang nanalo, like si Roxanne Barcelo? Ganun din ang ibibigay nilang reason, e, nag-compete ‘yung tao? Kaya dun pa lang sa mga rason nila na gaya nun, kaduda-duda na."

Did she win a cash prize?

"Wala pong datung," sagot niya. "Ang pinaglabanan nga doon was the opportunity to work in Hollywood and get the SAG [Screen Actors Guild] card. Kaya nanghinayang talaga ako nung for eight months, wala akong naging ibang trabaho dahil lang sa kakahintay sa paglipad ko to the US.

"I was supposed to be part of Majika then. Makakatrabaho ko sana si Angel Locsin, pero we said no to Ma'am Wilma [Galvante] and I had to turn down the opportunity na ibinibigay sa akin ng GMA-7."

So, ganun na lang ba ‘yon? Basta wala na lang ‘yung pinagpaguran niya?

"Ang narinig ko lang po, merong may planong maghabla doon sa producer ng show. I just want to look at it na lang as an experience na hindi ko makakalimutan. And gaya nga ng laging sinasabi, kung merong nawawala, meron din namang nagiging kapalit. And ang naging kapalit na nga noon was meeting my husband and now, having our Beans."

Kung meron uling reality TV show like Hollywood Dream, sasali ba siya uli?

"I'll make sure muna na it's for real," sabi ni Julia. "Besides, parang imposible na dahil wife and mom na ako. Sila na ang dream come true ko. I was raring to go before dahil dalaga pa ako and was ready to live a life na sana there. Kaso, not meant to be. This is what I am blessed with now kaya alam ko this is God's plan for me."
GMANEWS.TV

No comments: