Aug 15, 2007

Dingdong at Karylle nasisira ang relasyon dahil kay Marian?

MALAKI ang pagbabago sa career ngayon ni Dingdoing Dantes sa pag-kakapili sa kanya ng GMA-7 bilang Sergio Santibañez na character niya sa Mexican telenovelang kinagiliwan ng lahat, ang Marimar, na pinagbida-han noon ni Thalia, at para sa local version ay si Marian Rivera naman ang nasa title role. Gagampanan ni Dingdong si Sergio, ang lalaking bibihag sa puso ni Marimar.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Kung sinasabi man ng iba na hindi gaanong nag-click ang career ni Dingdong sa ibang teleseryeng ginawa niya sa Kapuso, this time, siguradong bobongga na siya nang husto sa Marimar.

Bilang makisig at guwapong talisuyo ni Marimar, ipakikita rito ni Dingdong ang

lahat ng kanyang “assets” para makuha niya ang puso ng bida. Ito ang tamang papel na para sa aktor. Swak na swak sa kanyang personalidad ang papel ni Sergio.

“I’m very thankful to GMA-7 dahil sa akin napunta ang papel ni Sergio sa Marimar. Nang abisuhan ako ng Kapuso network na ako ang makakapareha ni Marian sa teleseryeng nabanggit, labis akong natuwa dahil alam kong magi-ging sure hit ito. Napaka-raming viewers ang nabihag nito no-ong dekada ‘90.
“Talagang bukambibig noon ang pangalang Thalia sa buong bansa dahil sa soap na Marimar. Napakataas ang rating noon ng soap na ito, kaya walang dudang ganito rin ang mangyayari sa amin ni Marian sa local version,” pagkukuwento sa amin ni Dindong sa presscon ng Marimar kamakailan.

Bago gumiling ang kamera ng Marimar, total make-over ang ginawa ni Dingdong. Talagang nagpa-slim siya. Regular ang ginawa niyang pagdyi-gym para sa pagpapaganda ng katawan. Ang kapareha niyang si Marian ay sumeksi at gumanda dahil sa araw-araw nitong pagda-diet at pagi-exercise.

“Pinaghandaan talaga namin ang aming papel bilang Sergio at Marimar dahil ayaw naming mapahiya sa mga taong nag-aabang sa teleseryeng ito. Nakataya rito ang aming career kaya dapat naming pagbutihin ang pagganap,” wika pa ni Dingdong.

Samantala, tinanong namin si Dingdong kung naapektuhan ba ng tambalan nila ni Marian ang relasyon nila ni Karylle. Ayon na rin kasi kay Dingdong, magmula nang mag-taping siya for Marimar ay madalang na silang magkita ng kasintahan. Hindi raw niya mai-text man lang si Karylle. Pero, nauunawaan daw siya ng girlfriend at hindi ito naseselos o nagtatanim ng hananakit sa kanya.
“Kami pa rin ni Karylle!”pagdidiin ni Dingdong.

“Naging abala lang ako nitong nakaraang linggo, lalo na nang magsimula ang taping namin sa Marimar. Alam naman ni Karylle ‘yun. Nag-usap na kami prior sa taping namin ni Marian at sabi ko’y medyo magiging busy ako. We still love very much each other. Kaya ‘wag namang isipin ng iba na dahil kay Marian ay makalilimutan ko na si Karylle. “

People's Taliba

No comments: