Dawn Zulueta still adjusting to her life as solon's wife
Umeksena lang nang simple si Dawn Zulueta sa nakaraang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong July 23 ay talagang pinag-usapan na siya. Um-attend siyempre si Dawn sa naturang event dahil sa mister niyang si Congressman-elect Anton Lagdameo ng Davao del Norte.
Pagkaganda-ganda kasi ni Dawn sa kanyang gown that particular event. Mukhang ngang feel na feel na ni Dawn ang pagka-congressman's wife niya.
"Hindi pa pumapasok sa consciousness ko," natatawang sabi ni Dawn nang makausap
siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "I'm still weighing my feet. Although, there has been socials with Tita Gina [de Venecia], 'cause she's the one leading us, the wives of senators and congressmen, and we also have our own activities. Para matulungan siyempre 'yung kanya-kanyang mister, at magkaroon kami ng silbi, kahit paano."
Ang Haven for Children and Women ang sentro ng social work ng kanilang samahan. So far, ito pa lang ang pinagkakaabalahan ni Dawn bilang asawa ng isang congressman, kasabay ang paglilipat nila ni Anton sa kanilang bagong bahay sa isang exclusive village sa Makati.
"Most of the time, dito na kami sa Maynila, lalo't nag-umpisa na ang sessions sa Congress. I have to be with our son, and my husband, of course.
"Kailan lang kami naka-settle talaga nang husto rito sa Manila. Pero bumabalik-balik pa rin ako sa Davao. Hindi ko pa naman nami-miss nang husto ang rural setting, kasi nga, nakakabalik pa rin ako sa Davao kahit paano," kuwento ni Dawn.
Nanibago nga si Dawn dahil ang feeling niya, hindi na siya sanay sa buhay-Maynila.
May contractual commitments si Dawn na pinagkakaabalahan niya at nagre-require ng oras para mag-promote siya, lalo na rito sa Manila. Bukod sa existing endorsements niya—like Meg clothing, Myra-300, pH Care, Marie-France fitness program, Gain Plus, Pantene shamppo, and Johnson's baby lotion and milk bath (with his son, Jacobo), at iba pa—ay may madadagdag pa raw sa listahan.
"Diyan pa lang ay busy na ako. Namimili pa rin ako ng film projects, at baka nga mag-produce na lang ako," banggit ni Dawn.
"Hindi pa nagre-resume ang taping ng isang fantaserye [Lastikman] na kasama ako sa cast, and that's for ABS-CBN, pero okay na raw 'yung pilot. Pinagdedesisyunan na lang kung kailan mae-air, at kung kailan pa uli ako magte-taping."
Magtu-two years old pa lang si Jacobo, pero iniisip na rin nina Dawn at Anton kung saan ito magki-kindergarten.
"Kasi, pre-requisite talaga 'yan ngayon. Kailangang mag-kinder at mag-prep muna, bago mag-Grade 1. Ganoon din naman ako noong bata pa ako, pero ngayon yata, it's a requirement.
"Mga two years pa naman 'yan, pero mabilis ang panahon, di ba? We have to be ready once Jacobo starts going to school. Most probably, dito na siya sa Manila mag-aaral," excited na kuwento ni Dawn.
Pero sa ngayon, ini-enjoy muna raw ni Dawn ang pagiging baby pa ni Jacobo. Gusto rin niyang ma-enjoy nang husto ng anak niya ang pagiging bata kaysa 'yung wala pa halos kamalay-malay ay isinusubsob na ang ulo sa pag-aaral.
"May time talaga para riyan, and right now, we want Jacobo to prepare himself while enjoying his childhood," pagwawakas ni Dawn.
GMANEWS.TV
No comments:
Post a Comment