Aug 7, 2007

Davao's elite wants some Josh Hartnett

Update: Mt. Diwalwal, Davao City. Sangkaterbang mayayamang mga taga-Davao City ang dumagsa sa location shooting ng Hollywood film na I Come With The Rain na kung saan, bida ang Hollywood actor na si Josh Hartnett at ka­sama naman sa cast ang na­pa­kaseksing Pi­nay actress na si Thea Aquino.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Mga mi­yem­bro ng alta de socie­dad ng Da­vao ang nagpu­pumi­lit na ma

ipa­­kilala o ma-meet ng per­ so­n­al si Josh, maski mga anak ng mga puli­tiko roon at mga may ka­tung­ku­lan ay nag­na­nasang ma­ka­daupang-pa­lad ang aktor. Pero lahat sila ay lu­haan, hindi man lang sila ma­ka-first-base kay Josh.

Buti pa ang isang baba­eng Pinay, kabi­ruan ni Josh sa set. Pa­nay ang tawa­nan nila everytime na may break sa shoot­ing.

At ease raw si Josh kay Thea. Si Thea naman, super-poise ang beauty kunwari, pero deep inside her, halos himatayin siya sa tuwing makiki­pag­­biruan si Josh sa kanya.

Nasa kon­tra­ta na bawal ma­ki­pag-usap si Josh sa media at sa mga bumi­bi­sita sa shoot­ing. Siyempre, for se­curity rea­sons yun.

Mas­ki nga networks ay hin­di maka-entra to inter­view Josh. Ta­nging nakaka­usap lang ni Josh ay yung mga kasama­han niyang ar­tista sa shoot­ ing at yung mga ta­ong nasa pro­duction, staff and crew. Su­werte talaga ni Thea.
ROBERT SILVERIO
Pilipino Star Ngayon

No comments: