Aug 9, 2007

Babaing nasa sex video, hindi si Angel — Oyo

OYO Sotto, hindi naniniwalang si Angel Locsin ang babaing nasa video scandal.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Korek! Kahit hindi pa ito napapanood o kahit mapanood pa ito ng ex-boyfriend ni Angel, napakaimposible raw niyang isiping si Angel nga ang babaing kaniig ng isang Japanese guy sa video scandal.

At alam n’yo ba, last week, kuwento ni Oyo, nag-usap sila sa phone habang nasa London si Angel.

Ayon kay Oyo, kinumusta niya ang pag-aaral ng dating GF. Kasabay nu’n ang

kanyang payo na ’wag masyadong maapektuhan sa mga naglalabasan.

“Sabi ko, basta pagdating mo rito, eh, puntahan mo ang mga taong dapat mong puntahan at kausapin para maging maayos ang relasyon mo sa kanila!”

O, ’di ba, how nice of the ex-boyfriend? Kaya nga sabi namin kay Oyo, tutal nag-split sila ni Angel na magkaibigan pa rin at nananatili silang single hanggang ngayon, why not court her again?

Alam n’yo ang sagot ni Oyo? Bahala na raw. Basta ang importante, nasa likod pa rin daw siya ni Angel para suportahan ito.

Gusto ring linawin ni Oyo na wala siyang kinalaman at hindi rin siya ang nagkumbinsi kay Angel na maging Kapamilya.

Desisyon daw ito ni Angel at ng manager ng young actress.

Kami, feeling namin, magkakabalikan ’yang dalawang ’yan. Feeling lang namin, ha?
Ogie Diaz
People's Tonight

No comments: