Jul 16, 2007

Yeng Constantino built a four-dour apartment

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Hindi na masyadong hectic ang schedule ni Yeng Constantino at nakakapag-compose na uli siya ng bagong songs na isasama sa new al­bum niya to be released in January next year. Isa rito ang “Di Na Ganu’n” na tungkol sa away nila ng friend niya dahil ayaw nitong alagaan ang isang pusang gala. Ki­nanta niya ito sa amin at tiyak na maghi-hit dahil ma­ganda.

Sa September pa magsi-celebrate ng one year niya sa showbiz si Yeng at malaki na ang ipi­nagbago ng buhay nilang mag-anak. Nag­patayo siya ng four-door apart­ment sa Montalban at ang isang door ay gaga­win niyang music studio.

Ang worst intriga na dumating sa kanya’y pag­ kamalan siyang tom­boy at type niya si Maja Salva­dor. Hindi siya bothered dahil talaga naman daw maganda ang actress. Sexiest rockers sa kanya sina Alanis Morisette at ang drummer ng Blink 182 Band na si Travis Bar­ker. Aalis na naman pala si Yeng sa July 18 for a show sa Anaheim, Cali­fornia with Jay-R Siaboc, RJ Jimenez at Ronnie Liang.
Nitz Miralles
Pilipino Star Ngayon

No comments: