Utang na loob `di uso sa showbiz
NANG magkaroon ng ugong na lilipat si Angel Locsin sa ABS-CBN ay ‘di kami agad naniwala. Pero nung last teyping day ng Asian Treasures na nagkaroon ng cast party at umiwas siyang painterbyu sa press ay medyo nagtaka kami. May dapat ba siyang itago?
Nang umalis sina Angel at ang manager na si Becky Aguila papuntang USA para sa showing dun ng kanilang Angels ay pinagbintangan daw ng dalaga
na ang ginawa ni Josie Manago ng Star Talk ay ambush interview kaya tinarayan nito ang respetadong TV field reporter at cameraman nito sa NAIA.
Nakausap namin si Josie at sinabi niyang disappointed siya dahil through the years ay wala na siyang ginawa kungdi i-cover ang activities at ipagtanggol si Angel. At ang nagbigay sa kanya ng sked (flight departure, itinerary sa Tate at flight arrival) ay ang mismong manager, kaya ‘di ambush ang ginawa niyang coverage.
Again, naisip naming never umakting nang ganito ang nakilala naming mabait na si Angel. And again, naisip naming kung wala siyang itinatago, bakit siya naasar nang itanong ni Josie ang tungkol sa paglilipat-network?
Nalaman naming expired na nga ang kontrata niya sa GMA Artist Center, pero ayaw magbigay ng comment tungkol sa lipatan isyu ni Ms. Ida Henares. Tipong, naghihintay pa siya sa hakbang ng mag-among Becky at Angel, ganun.
At heto na nga. Lumitaw na ang totoo. Pagdating ni Angel ay magiging Kapamilya na pala siya. Goodbye Kapuso na. At ito’y pagkatapos na gawin siyang bida sa mga seryeng Mulawin, Darna, Majika at Asian Treasures ng GMA-7.
Kunsabagay, what else is new? Utang na loob? Uso ba ‘yan sa mundo ng showbiz? Matagal na naming na-prove na maraming taong-showbiz ang ‘di humahawak dito.
Okey, trabaho lang, walang personalan. Kaya nga dahil maganda naman ang naging trato sa’min ni Angel, idarasal naming mapatunayan niyang greener pasture ang Dos kaysa Siyete.
Na sana’y maalagaan siya ng Dos nang mahusay (kahit teritoryo ito nina Judy Ann Santos, Claudine Barreto, Bea Alonzo at Kristine Hermosa) samantalang sa Siyete’y siya ang reyna.
Nene Riego
People's Taliba
No comments:
Post a Comment