Jul 31, 2007

Tonyboy Cojuangco's mother: "Leave Gretchen, pack your bags and come live with me."

Isang kamag-anak ng pamilya Cojuangco ang nagkumpirma sa artikulong lumabas sa August 2007 issue ng YES! Magazine na nagalit ang ina ni Tonyboy Cojuangco na si Meldy Cojuangco sa partner ng anak na si Gretchen Barretto dahil sa paglabas ng "kisscandal" photos ng aktres at ni John Estrada.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sinabi ng naturang kamag-anak sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na matagal na talagang hindi tanggap ni Meldy si Gretchen para kay Tonyboy. Si Imelda "Meldy" Ongsiako Cojuangco ay biyuda ni Don Ramon Cojuangco, na siyang nagpalaki at nagpalakas sa Philippine Long Distance Telephone (PLDT), ang higanteng telecommunication firm.

Kinumpirma ng kamag-anak ng pamilya Cojuangco ang kuwento na noong

magpunta si Tonyboy sa bahay ng ina noong kainitan ng "kisscandal" ay sinabihan daw ni Meldy ang anak ng ganito: "Leave Gretchen, pack your bags and come live with me."

Ang tinutukoy ni Meldy ay ang bahay niya sa South Forbes (Park). Si Tonyboy naman ay naninirahan sa katabing DasmariƱas Village kasama ni Gretchen at ng anak nilang si Dominique. Ang tirahan ng mag-ina ay two-minute drive lamang ang layo.

Ang sagot ni Tony sa ina, ayon sa kamag-anak, ay ito: "I'm not leaving Gretchen. No one's leaving anyone. I'm not going to destroy my family."

Matapos ang halos limang minuto lamang na pag-uusap ng mag-ina ay umalis na raw si Tonyboy at umuwi na sa DasmariƱas Village. Noong araw ring iyon ay umalis patungong Boston, Massachusetts si Tonyboy—kasama sina Gretchen at Dominique—upang sumailalim sa huling surgery para sa kanyang throat ailment.

Mula noon, mga tatlong linggo na ang nakararaan, ay hindi pa ulit tumutuntong si Tonyboy sa bahay ng ina.

Sa panig naman ng isang malapit na kaibigan ni Gretchen, sinabi nitong "She has put her foot down and has vowed never to speak to Tony's mother again."

Dagdag pa ng kaibigan ni Gretchen, sa tingin daw ng aktres ay hindi talaga siya matatanggap ng pamilya Cojuangco kahit ano pa ang gawin niya para kay Tony at sa pamilya nito. Ang importante raw kay Gretchen, ayon sa kaibiagan, "As long as Tony and she are together, that's good enough for her."

Mabibili na ang August 2007 issue ng YES! magazine sa leading bookstores and magazine stands.
GMANEWS.TV

No comments: