Jul 17, 2007

Ruffa 'no comment' sa isinampang kaso laban sa kanya ni Yilmaz

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
MATAPOS ang ilang linggong “pamamahinga,” laman uli ng news ang Turkish husband ni Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas dahil sa kasong isinampa nito sa Turkey laban sa beauty queen-actress.

Sa report ng ABS-CBN Middle East Bureau Chief na si Danny Buenafe kahapon, sinabi nitong kinasuhan ni Yilmaz si Ruffa ng falsification of public documents dahil sa nabukong unang kasal ng aktres sa isang Richard Daloia sa Clark County, Nevada, noong 1999.

Ayon pa sa balita, binibigyan ni Yilmaz si Ruffa ng 20 days para umapir sa korte sa Turkey at kung hindi magpapakita’y pilit itong ipahuhuli rito sa ’Pinas.

As of press time, tumangging magbigay ng anumang komento si Ruffa tungkol sa isyu. Nananatili ring tikom ang bibig ng kanyang kampo, although kung kami ang tatanungin, marahil ay napagod na ang aktres sa kadramahan ng dating asawa.

Isang source ang nagsabi sa aming siguro’y naimbiyerna na naman si Yilmaz dahil ilang araw nang hindi kinakausap ni Ruffa. Sabagay, sobrang busy nga naman ang aktres-TV host dahil sa rami ng showbiz assignments ngayon.

Bukod sa lingguhang paghu-host ng The Buzz, meron pa siyang dalawang projects na pinagkakaabalahan, ang Kokey at Desperadas, Metro Manila Film Festival entry ng Regal Entertainment.

Kung hindi naman siya magwu-work, paano na ang dalawang anak na sina Lorin at Venice? Eh, hindi ba, si Ruffa na rin ang nagsabi sa interview ng Startalk dati, na ilang buwan nang hindi nagbibigay ng sustento si Yilmaz?

Saka, knowing Yilmaz, baka naman ’pag nakausap na niya si Ruffa ay magbago uli ang ihip ng hangin. Hindi nga ba’t nu’ng kasagsagan ng word war nila’y paiba-iba ng statement ang Turkong negosyante?
Source

No comments: