Jul 19, 2007

Rufa Mae at Billy, madalas mag-date

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
NAG-GAIN na ng five pounds si Rufa Mae Quinto nang makita namin sa burol ng ama ni Tita Cristy Fermin sa Funeraria Nacional nu’ng isang gabi.

Sa totoo lang, mas bagay sa sexy comedienne ang karagdagang timbang dahil hindi na siya mukhang anorexic.

“Muntik na!” tili ni Rufa Mae nang batiin ng writers ang pangangatawan.

Dati raw, 98 lbs. lang siya, pero ngayo’y kuntento na sa bigat na 103.

Inamin nitong kinailangan niyang magpatingin sa isang doctor para ma-correct ang eating habit. Sumobra raw kasi ang pagdidiyeta niya, kaya nangayayat nang husto.

So far, masaya si Rufa Mae sa resulta ng pagpapa-check-up, pero ayaw nang lumampas sa kasalukuyang timbang.

Anyway, dahil maraming katsika, hindi na kami nagkaroon ng pagkakataong tanungin kung totoo ang sitsit na there’s something more than meets the eye sa kanila ni Billy Crawford.

Isang source ang nagbalita sa Tonight na lately ay nadadalas ang pagdi-date ng dalawa. Katunayan, kamakailan lang ay may mga nakakita sa kanila na magkasamang nanood ng sine.

Eh, paano na lang si Erik Santos? Tinawagan pa naman ito ng komedyana habang nasa burol para kumustahin dahil ’di sumasagot sa text message.

Akala ni Rufa, hindi pa tapos ang show ni Erik sa The Fort kaya dedma sa text. ’Yun pala, nagpapahinga na ang ex-BF dahil medyo masama raw ang pakiramdam.

In fairness, puring-puri niya ito dahil galante mag-regalo. Bukod sa Louis Vuitton watch na suot-suot ni Rufa Mae sa wake, binigyan din daw siya ni Erik ng diamond ring na binili sa Hong Kong for $8,000.

* * *

MULING nanumpa sa tungkulin ang councilor-elect ng 4th district ng QC na si Atty. Ariel Inton sa harap ni Supreme Court Chief Justice Reynato Puno kasama ang iba pang bagong-halal na opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Sonny Belmonte sa QC Plaza Hall kamakailan.

Si Inton din ang muling nahalal na majority floor leader ng QC council.

Ang isa sa mahahalagang achievements nito para sa local film industry ay ang pagpapasa ng ordinansa tungkol sa zero percent amusement tax sa QC.
People's Tonight

No comments: