Jul 27, 2007

Pinoy Big Brother: Wendy, palaban!

Mapawi nga kaya ng Pinoy Big Brother Season 2 (PBB2) third placer na si Wendy Valdez ang uhaw ng mga kalalakihan sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, Margarita, na sasali sa hanay ng pinagmamalaking programa ng Primetime Bida?
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Bukod kay Wendy, tampok din sa naturang serye ang boyfriend(?) nitong si Bruce Quebral at si Diether Ocampo.

Ang Margarita ay umiikot sa

kuwento ng isang babaing palaban, na sa murang edad ay naranasan na ang mga pagsubok sa buhay. Maagang naulila ng ina at iniwan ng ama, napilitan si Margarita na akuin ang responsibiiidad na buhayin ang kanyang mga kapatid at pumasok sa magulong mundo ng pagsasayaw sa mga bahay-aliwan.

Nangako siya sa sariling maghihiganti sa ama pagdating ng panahon, subalit makakikilala ng mga taong magpaparamdam sa kanya na mas matimbang ang pagmamahal kesa sa paghihiganti.

Si Wendy ang gaganap bilang maalindog at matapang na si Margarita, habang si Bruce naman ang matalik na kaibigang may lihim na pagtingin sa kanya.

Si Diet ang kukumpleto sa love triangle bilang mabait at matipunong lalaking bibihag sa puso ng dalaga.

Sa Margarita, pinakamalaking break nina Wendy at Bruce, ay makakasama nila si Diether sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa isang panayam, inamin ni Wendy na isa sa mga crush niya si Diet. Dahil sa rebelasyon ng dalaga, magselos kaya si Bruce sa mga eksena ng dalawa?

May mabuo kayang tension sa set ng bagong teleserye?

Kasama rin sa proyektong ito ang ilan sa mga batikang aktor ng bansa tulad nina Rio Locsin bilang Adora (ina ni Margarita), Dick Israel bilang Robert (ama ni Margarita), Noni Buencamino (pangalawang asawa ni Adora) at Dexter Doria (tiyahin ni Margarita).

Tampok din sina Joseph Bitangcol, John Manalo at Sharlene San Pedro bilang ang nakababatang kapatid ng bida. Kasama rin dito si PBB Celebrity Edition Big Winner Keanna Reeves bilang kaibigan ni Margarita.

Ang mga direktor nito’y sina Erick Salud, Trina Dayrit at FM Reyes.

Tikman ang matamis at masalimuot na buhay ni Margarita simula July 30, sa ABS-CBN Primetime Bida.
People's Tonight

No comments: