Jul 5, 2007

P1M premyo ni Beatriz Saw, ibibigay niyang buo sa ina


SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio

Inamin ni Beatriz Bea Saw sa isang napa­kaikling interview (isina­lang na agad sila nina Bodie, GeeAnn, Mic­k­ey at Wendy sa press­con bago pa sila maka­kain ng tanghalian kaha­pon sa unang pagharap nila sa media matapos ang PBB Sea­son 2 na ibibigay niyang lahat sa kanyang ina ang isang milyong pisong premyo niya bilang grand winner.

“Sa kanila naman po yun, sila ang dahilan kaya ako sumali sa PBB,” anang Develop­ment Communications grad­uate ng Ateneo de Naga na mula sa isang bayan sa Baao, Cama­rines Sur na “Napapagit­naan ng dalawang lung­sod,” aniya

When asked kung ba­kit siya nanalo sa PBB 2, sinabi niyang. “Siguro dahil hindi nagbago ang nakita sa akin sa loob ng bahay. Consistent ako all throughout. Hanggang sa huli nagpaka-totoo ako.”

A very religious per­son, inamin ni Bea na ang family niya ang pi­nag­hugutan niya ng la­kas para ma-conquer niya ang loneliness and boredom nung nasa loob siya.

Wala pa siyang alam sa mga plano para sa kanya ng ABS CBN. “Ang alam ko lang, I will have to undergo several workshops,” sabi niya.

No comments: