Jul 16, 2007

Mo, wrong guy for Rhian -- PJ

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
LABIS na nag-aalala si PJ Valerio sa pagkaka-link ni Rhian Ramos kay Mo Twister.

Obvious na may pagtingin pa rin siya sa dating pagsintang pururot. Pagsintang pururot daw, o! Hahaha!

“Rhian, you have a great future, so don’t ruin it by picking the wrong guy,” ang unsolicited advice ni PJ sa nasabing Kapuso talent.

Ouch ba, ha, DJ Mo?
Ibig kayang sabihin nitong si PJ ay wrong guy si DJ Mo kay Rhian dahil bukod sa mas malaki ang agwat ng edad nila, may anak pa ito kay Bunny Paras at diumano’y kasal kay Janet McBride?

Hindi naman daw totally ganu’n, sabi ng kampo ni PJ. Concerned lang talaga ang poging bagets na co-host ni Kuya Germs sa Walang Tulugan.

Paano kung hamunin ni DJ Mo itong si PJ sa isang debate regarding Rhian, love at iba pang topic? Kayanin kaya ni PJ ang English twang ng erpat ng eldest daughter ni Bunny?

“Bakit naman hindi? Please don’t forget na laking Amerika si PJ. At mas tunay ang kanyang English twang, hindi tulad ni DJ Mo na dinaraan sa bilis ng pagsasalita ang wikang English, na minsan, hindi maintindihan dahil kinakain na niya ang words,” pagtatanggol ng isang PJ avid fanatic na nakausap namin.

Well, shall we expect a giyera patani sa kampo ni PJ Valerio versus DJ Mo’s, kundi man mismong ang dalawa ang magkaengkuwentro sa print and in person?

Abangan!
Source

1 comment:

Anonymous said...

kampi akoh kay pj....go! go! go!,,,,