Jul 9, 2007

Marimar GMA: Taping is in Botolan and Candeleria, Zambalez


This Monday ang first taping day ng Marimar na magkatulong na ididirek nina Joyce Bernal at Mac Alejandre.

Sa Botolan at Candelaria, Zambales, ang taping at para ’di magkagulatan, nag-workshop ang cast under the two directors. Pati rapport nina Marian at Dingdong Dantes ay inayos para hindi sila kakitaan ng awkwardness on screen.

Sa ganu’n kalayong location, tiyak na mangangarag sina Marian at Dindong dahil may gagawing pelikula for the Metro Manila Film Festival. Kasama ang actor sa Resiklo ng Imus Productions at ang actress ay dalawa ang movie projects. Isa siya sa mga bida sa Desperadas at nasa cast din ng Bahay Kubo.

Kakayanin ni Marian ang schedule kahit mahirapan dahil ayaw palampasin na makasama si Maricel Soriano sa Bahay Kubo at bida siya sa Desperadas.

Source

No comments: