Jul 11, 2007

Immigration lawyer linked to Angel Locsin speaks up


Tinawanan lang ni Atty. Michael Templo ang isyung nanliligaw siya o siya ang nagpapaligaya ngayon kay Angel Locsin.

Agad nilinaw ng naturang immigration lawyer, na anak ng dating aktres na si Mildred Ortega, na tinulungan lang niya ang grupo ng Angels na makakuha ng U.S. visa, kaya siya naroon minsan sa isang presscon.

Eh, hindi naman kataka-takang ma-link itong si Atty. Mike kay Angel dahil guwapo at artistahin ang naturang 31-year-old lawyer.

“Maganda kung sa maganda si Angel. Hindi natin kaya ’yon, baka isnabin lang tayo no’n!” aniya.

Anyway, sa mga gustong magkaroon ng U.S. at Canadian visa, para hindi kayo ma-deny, tawag lang kayo kay Atty. Mike Templo (893-5964/0917-5380797), dahil sa July 14 ay meron siyang seminar sa Asian Institute of Management sa Makati, 2-5 p.m., okay?
Ogie Diaz
People's Tonight

No comments: