Jul 30, 2007

Heart Evangelista stays with Kapamilya network

MANANATILI pa rin si Heart Evangelista sa ABS-CBN 2 matapos ang negosasyong naganap last week kina Cory Vidanes, Deo Endrinal, Gina Martinez at Angeli Valenciano.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Two-year contract ang gusto ng Dos para kay Heart at kasama rito ang pagiging bida sa isang international soap. May naka-line up din sa kanyang movie under Star Cinema at next week ang meeting with Malou Santos.

Inoperan din ng GMA Films ng movie si Heart, pero

hindi nagkasundo sa storyline, kaya babaguhin ito at hindi pa sigurado kung kailan masisimulan. Nag-renew rin ng ad contracts ang produktong ini-endorse ng young actress.

Balita pa sa amin ni Angeli, hindi natapos ni Gary Valenciano ang version niya ng Tell Me (na theme song ng A Love Story nina Aga Muhlach, Angelica Panganiban at Maricel Soriano), dahil nasa Visayas sila nang hingin ito sa kanila. Tapos, nag-show pa ito sa Taiwan last Sunday sa National University Gym at 3,000 na tao ang nanood.

Hindi raw kasi kinaya ni Gary ang sunud-sunod na biyahe, dahil lumipad siya pa-Dumaguete last July 19, bumalik ng Maynila ng July 20 at lipad pa-Bacolod last July 20. Tapos, ‘yung Taiwan, last July 21 naman ang naging biyahe niya.

Base sa text ni Angeli, malungkot daw si Aga at ang Star Cinema sa hindi pagkakatapos ni Gary ng kantang Tell Me.
Jun Nardo
Abante

No comments: