Gretchen, naughty and wise
Sa wakas ay binasag na ni Gretchen Barretto ang kanyang pananahimik matapos
pumutok ang ‘kisscandal’ sa pagitan nila ni John Estrada nu’ng Hunyo.
Maliban sa panaka-nakang text messages na ipinadadala niya sa mga malalapit na kaibigan tungkol sa recent updates sa kanya ay hindi pa tuluyang ibinubulalas ni Gretchen ang kanyang mga saloobin kaya nananatiling sabik ang publiko sa kanyang mga pahayag.
Sa intimate birthday dinner para kay
kay Tito Douglas Quijano kamakalawa na ibinigay ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez sa kanilang tahanan sa East Greenhills ay dumating si Gretchen at masaya itong nakihalubilo sa mga bisitang pawang malalapit kay Tito Dougs.
‘Nalambing’ ng kaibigang Gorgy Rula si Gretchen na magpainterbyu ito sa TV crew ng Startalk. Sabi ni Greta, dapat matuwa ang mga taga-Startalk dahil dito niya napiling magsalita for the very first time (mapapanood ang kabuuan ng panayam sa show bukas nang hapon).
Sumabay kami sa interview ng Startalk at sinamantala na rin namin ang pagkakataong makapagtanong kay Gretchen.
Kamusta na siya ngayon matapos ang matinding kontrobersyang pinagdaanan niya kamakailan?
"I’m okay now," simulang sagot ni Greta na parang lalong gumanda at bumata sa kanyang maiksing buhok.
Ano nang kalagayan ngayon ng longtime partner niyang si Tonyboy Cojuangco matapos itong sumailalim sa isang maselang operasyon sa Amerika?
"Right now, okay na si Tony. Nagkaroon siya ng isang operation dito, sa Manila Doctor’s Hospital and then a week after, pumunta kami ng Boston for a throat surgery. Okay na siya and then, aalis ulit kami next week," tsika ng magandang aktres.
***
Ayon kay Gretchen, hindi siya nawala sa tabi ni Tonyboy at naroon siya the whole time para bantayan at suportahan ito sa pinagdaanan nitong pagsubok sa kalusugan.
Matagal-tagal din siyang nanahimik mula nu’ng pagpistahan ng madla ang ‘kissing photo’ nila ni John Estrada.
Ano ang nais niyang iparating ngayon sa publiko matapos ang mga intrigang kinaharap niya kamakailan?
"Sa lahat naman ng nangyari sa akin na mga storm o sa mga bagyong nagdaan sa buhay ko, palagi namang naging faithful ang publiko sa akin…
"Syempre, hindi naman lahat maganda ang nasasabi sa akin; may maganda, may hindi maganda, pero ganyan talaga ang buhay. You have to take the good with the bad, the bad with the good, hindi ba?
"So, nagpapasalamat lang ako sa lahat ng mga nagdasal para sa akin at para kay Tony nu’ng nagkasakit siya. Sa lahat ng mga umintindi at pilit na umiintindi…
"At sa lahat ng mga hindi nakakaintindi, pasensya na lang. Pero hindi ko naman kasi binibigyan ang publiko ng ibang larawan ng isang Gretchen Barretto.
"Kung ano po ‘yung nakikita n’yo, the good and the bad, ako po ‘yon. Ako talaga ‘yon! So, ‘yun lang naman talaga ang maio-offer ko," pakli niya.
So, ang importante ay naiintindihan siya ni Tony at ng anak nilang si Dominique?
"Ang naa-appreciate ko kay Tony at kay Dominique is that kung anuman ang nangyayari, kung anuman ang pinagdaraanan ko, tama o mali, they’re proud of me ‘pag tama ang ginagawa ko or mabuti ‘yung nagagawa ko sa career ko.
"At kung hindi naman siya mabuti, they’re still faithful. You know, they still take me. Pero ganyan naman ang tao eh, di ba? We have a good side and we have a bad side…"
***
Nu’ng kasagsagan ng ‘kisscandal’ ay nabanggit niyang naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon at magsasalita rin siya upang sagutin ang lahat-lahat. Gagawin niya pa rin ba ito?
"Yes, I will!" mabilis na sagot niya sa amin.
"Alam mo, nu’ng nangyayari ‘yung mga intriga, parating sinasabi ng mga gustong mag-console sa akin na, ‘Gretchen, don’t worry, hindi mo utang sa publiko ang mag-explain!’
"But I really feel na utang ko sa publiko dahil I’m a public figure and I’m very much visible. So, hindi naman puwede na ‘pag nagkaproblema eh, umaatras. Siguro, hindi pa lang ready.
"And nagpapasalamat din ako that you know, a lot of people have been also very patient with me. Oo, I’d like to be able to really set myself free with the truth and my version -- no matter how people will take it -- one of these days hopefully…" ani Greta.
May iba pa ba siyang nais sabihin?
"Like I said, nagpapasalamat ako sa lahat ng umuunawa sa akin. May mga ibang tao kasi na nagagalit sa akin ‘pag naughty ako. Pero this is me, love me!
"Even when I’m good and I’m bad, you have to love me! Ha! Ha! Ha! Di ba, ganu’n ‘yon ‘pag mahal mo ang isang tao? Dapat lahat, ang kabuuan ng person, you have to take. Kasi, hindi naman perfect ang kahit na sino," dayalog niya.
So, aminado siyang naging ‘naughty’ siya?
"I’m naughty and wise! Ha! Ha! Ha!" halakhak ni Greta.
***
Nagkausap na ba sila ni John pagkatapos ng kontrobersya?
"I don’t wanna com-ment about that," seryo-song sagot ni Gretchen.
"Naiba ‘yung mood?! Ha! Ha! Ha!" tawa niya.
Meron ba siyang mga nais pasalamatan na hindi siya iniwan sa gitna ng mga pagsubok na sinuong niya?
"Marami syempre akong gustong pasalamatan at hindi ko pa nauumpisahan ‘yung pagpapasalamat because like I’ve said, I’m only starting to recover. I’m only starting to really eat the right food. I’m only starting to sleep well.
"Parang hindi pa ako bumabalik sa routine ko. So, parang bibigyan ko ‘yung sarili ko ng time to get over everything na nangyari. Kasi sabay-sabay, di ba? Hindi lang ‘yung intriga but also, nagkasakit pa si Tony and aalis nga kami ulit for another surgery.
"So, more than anyone in this world, talagang nagpapasalamat ako sa Diyos at pinahiram pa ng Diyos si Tony sa amin because you know… muntik na siya talaga eh, di ba?" sambit pa ni Gretchen Barretto.
Allan Diones
Abante-Tonite
No comments:
Post a Comment