Finally, A Beatriz Saw Article For Her Fans, And As Usual, Wendy Valdez Just Has To Be With Her
Wendy pinatawad na nina Bea, Gee-Ann at Mickey
By: Butch Roldan
Note, I've highlighted the portions of Beatriz Saw, the real PBB2 Big Winner NOT Wendy just in case you can't stand Valdez, so you'll know what to read.
INNER VIEW
NA-INTERVIEW namin kahapon ang apat na winners ng PBB2 na pinangungunahan ng Big Winner na si Maria Beatriz Saw, na isang Bicolana pala at nag-aral sa Ateneo de Naga University, kung saan din nagtapos ng Journ ang inyong lingkod.
Dahil masyadong na-involved emotionally ang televiewers sa gulong naganap sa loob ng bahay ni Kuya caused by Wendy’s ‘bad attitude’ toward her housemates, literal na kinapootan ng mga manonood si Wendy, at ganundin tiyak ng kanyang housemates.
So, sa press conference provided for by the Endemol people and ABS-CBN, inurirat ng press people ang tatlo sa naging huling housemates ni Wendy Manaluz Valdez na sina Bea, Mickey at Gee-Ann nga kung ano ang naramdaman nila kay Wendy noong nasa loob pa sila ng bahay ni Kuya at kung ano ang feeling nila ngayon sa housemate na pasaway na nag-graduate ng Bachelor of Arts in Communication sa Far Eastern University ngayong nasa labas na sila.
“Hindi naman ako affected ng attitude ni Wendy when we were inside Kuya’s house, although medyo nailang lang ako sa kanya noon. Now that it’s all over, and she (Wendy) already apologized in public sa mga ginawa niya sa loob, I think we must give her a chance,” wika ni Mickey, ang ‘second big winner’ sa PBB 2.
Taga-Switzerland si Mickey Richard Perz at nagsabi ring ipu-pursue niya ang kanyang showbiz career sa Pilipinas.
Ayon naman kay Gee-Ann (Gianina Maria Sta. Maria Abrahan) na naging 4th big winner sa PBB2: “Mabait naman si Wendy. I believe that she really deserves a chance.”
Tinanong din si Gee-Ann kung bakit hindi niya dala sa presscon ang kanyang doll na si Pamela na siyang naging tatak niya sa loob ng bahay ni Kuya. Sagot niya: “Ipinamigay ko na ‘yung doll ko.”
“Please, let us give Wendy a chance,” pakiusap naman sa movie press ni Bea.
Tinanong din si Bea kung ano ang naramdaman niya nang siya ang napiling Big Winner sa PBB season 2, ayon sa kanya: “From the very start ko sa loob ng bahay ni Kuya, I told myself that I will win the contest. So, nang ako nga ang naging Big Winner, natuwa ako dahil nagkatotoo ang aking paniniwala.”
Positive thinking ang ginamit ni Bea, hard work at hindi ang magpa-controversial na tulad ng naging style ni Wendy. At nagtagumpay nga siya.
Nang si Wendy naman ang tinanong ng movie press kung bakit siya nagpasaway sa loob ng bahay ni Kuya sagot niya: “I have reasons why I did those things inside the PBB house.
“Pero, ayoko nang mag-elaborate. Ang masasabi ko, I’m not perfect, but I am a nice person. Nobody’s perfect naman… lahat naman ng tao ay mayroong bad side o masamang ugali.
“Nagkataon lang na may nakatutok palagi sa aming kamera kaya naging kapansin-pansin ang attitude ko. Pero, I assure you, please I am a nice person.”
Kinulit din si Wendy tungkol sa totoong naging relasyon nila ni Bruce sa loob ng bahay ni Kuya.
“Bruce was my source of strength. At syempre dahil sa loob ay palaging kami ang magkasama so, merong na-develop sa amin, maybe a real friendship pero, hindi pa rin namin ‘yun madi-define as real love for each other,” wika ni Wendy.
By the way, nang tinanong si Bea kung saan niya dadalhin ang malaking perang kanyang napanalunan sa PBB2, sagot niya: “Meron po akong mga indigent people sa Bicol na sinusuportahan and part of my prize ay itutulong ko sa kanila.”
Tungkol sa pagtatanggol ng tatlo sa naging pasaway nilang housemate, paniniwala ng members ng movie press, baka raw lalong lumaki ang ulo ni Wendy.
Source
No comments:
Post a Comment