Fight leaves scar on Baron Geisler's face
Tumangging magpa-interview sa harap ng kamera ang kontrobersiyal na young actor na si Baron Geisler, sa grand opening ng Jewels store sa second level ng SM Centerpoint last Friday, July 13. Pero nagpaunlak naman siya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ng interview.
Tandang-tanda pa ni Baron nang huli namin siyang makausap sa story conference ng katatapos lang na Sine Serye nina Anne Curtis at Oyo Boy Sotto na May Minamahal sa ABS-CBN. Sumunod na araw ay nasangkot siya sa isang gulo sa Pampanga kung saan nabalita na tinamaan ang kanyang mukha ng bote ng alak.
Sa muli naming paghaharap ay may dalawang malaking linya ng peklat ang mukha ni Baron. Diretso namin siyang tinanong kung ito ba ang resulta ng "aksidenteng" napabalita sa kanya noon.
"Oo," pag-amin ni Baron.
Last time we interviewed him, ang ganda-ganda pa ng mga sinabi niya tungkol sa pagbabago niya at iiwasan na raw niya ang paggimik.
"Yeah, I am," sabi niya. "I'm okay na and until now, I'm still the same. I mean, I'm okay. I'm good.
"Sasali ako sa celebrity boxing. Probably next month or two months from now and I've been practicing," pagbabalita pa ni Baron.
Ano ba talaga ang nangyari sa huling insidente na kinasangkutan niya?
"Ayokong mag-comment," pag-iwas niya. "Kasi maraming nagtanong, baka may magalit. Kasi hindi ako pumayag magsalita sa TV. So, let's put it at that, na ganun na lang siya."
Ibig sabihin, kung ano ang nabuong kuwento sa pangyayari sa kanya recently, ganun na lang ‘yon?
"Oo, bahala na lang silang mag-isip."
May kaugnayan ba ang nangyaring gulo sa hitsura niya ngayon?
"Oo, buti na lang bumagay sa role ko kaya hayun, nakapag-taping pa ako," sagot niya.
Hindi rin nag-aalala si Baron na baka mas mahirapan siya na makakuha ng projects ngayon, lalo na sa tinamo niyang peklat sa mukha.
"Mawawala rin ‘to kaya hindi ako kabado. Mabuti na lang hindi sa mata," sabi niya.
May plano si Baron na ipa-plastic surgery ang kanyang mukha.
"A month or two. Well, August 5, ipapaayos ko na 'to habang wala pang ginagawang work. And sana after that, magkatrabaho na ako ulit. Ang sarap magtrabaho, e. Nalilihis ako. I mean, nawawala ‘yung gimik pag nagtatrabaho ako, e. Mas focused ako.
"Basta I want work. Ang sarap kasi ng feeling na nagtatrabaho ka. I feel responsible now kasi ako na rin ang nagha-handle ng finances ko. Dati, parang Mommy ko. So, this time, I'm doing adult things na, like handling my own money. Going to bank, paying my bills.
"I don't want na to say na expect a new person on me. Kasi baka mamaya niyan, babalik sa akin ‘yung sinabi kong I'm a good boy, tapos biglang may aksidenteng mangyari. Tapos parang lumalabas sinungaling ako, which is not true. Ayoko na lang magsalita. Basta ako, I'm a better person now.
"But you know what? Gusto kong gamitin 'to [peklat sa mukha] sa isang role lang na lead na independent film. Why not ‘di ba?
"At alam mo, ang daming babae lumalapit sa akin at sinasabi, ‘Baron, alam mo, nakaka-turn on ‘yan.' Oo, hindi ako nagbibiro. Or sinasabi, ‘Ang lakas ng dating mo ngayon. Huwag mo nang ipaayos, ha.' Siguro mga tatlong artista na ang nagsabi sa akin nun," kuwento niya.
Samantala, hindi itinanggi ni Baron na umiinom pa rin siya ng alak paminsan-minsan.
"But hindi na tulad ng dati na I'll go out of my way to drink. No. Pag meron, meron. Pag wala, wala. Mas pinipili ko na mag-workout ngayon. Almost everyday ako nagwo-workout," pagmamalaki ng young actor.
Bago maaksidente si Baron, nakapag-shoot muna siya for a short role sa upcoming movie ng Star Cinema, A Love Story, na pagbibidahan nina Maricel Soriano, Aga Muhlach, at Angelica Panganiban, sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes.
Source
No comments:
Post a Comment