Jul 26, 2007

Ex-Star Magic Hazel Ann Mendoza jumps to GMA-7

May rason naman pala kung bakit hindi na nag-renew ng kanyang kontrata sa Star Magic ng ABS-CBN ang young actress na si Hazel Ann Mendoza. Nasa bakuran na ng GMA-7 si Hazel at isa siya sa gaganap na kontrabida sa Sine Novela na Kung Mahawi Man Ang Ulap, starring Dennis Trillo and Nadine Samonte.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ayon kay Hazel, matagal na raw siyang naghihintay ng malaki-laking project from Star Magic. After kasi ng teleserye na Gulong ng Palad ay hindi na siya nabigyan ng bagong show at puro

guesting lang sa Wowowee at ASAP ang ibinibigay sa kanya.

"Breadwinner po ako ng family ko kaya hindi sapat ‘yung kinikita ko sa dalawang shows. Mas maganda kasi ‘yung may regular show ako para mas okey. Nagkataon na noong mag-expire ang contract ko with Star Magic, nakilala ko si Manny Valera at siya na ang tumatayong manager ko," sabi ni Hazel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kung Mahawi Man ang Ulap kagabi, July 25.

Panganay si Hazel at siya ang nagpapaaral sa kanyang kapatid. Biyuda na kasi ang kanyang ina at sila-sila na lang ang nagtutulungan.

"My Dad died thirteen years ago at hindi na nag-asawa ulit ang mother ko," kuwento ng young actress. "Kaya bata pa lang ako, natuto na akong mag-work for my family. Kaya nagpapasalamat ako sa GMA-7 at nabigyan nila ako ng regular acting job sa TV."

Sa pag-alis ni Hazel sa ABS-CBN, paano na ang kanyang ka-loveteam na si Mhyco Aquino na naging boyfriend din niya?

"Hindi ko po alam kung ano ang plano sa kanya ng Dos," sabi ni Hazel. "After ng break-up namin, hindi na kami masyadong nagkakausap. May nababalitaan na lang ako about him coming from our common friends.

"I think ipe-pair siya sa iba. Kasi marami namang pumasok na bagong mga taga-Star Magic. Siguro naman may babagay kay Mhyco."

Ayaw sabihin ni Hazel nang direkta ang dahilan kung bakit sila nag-split ni Mhyco. Basta nagkaroon daw sila ng malalim na problema at kinailangan na nilang maghiwalay.

Sa Kung Mahawi Man ang Ulap ay ginagampanan ni Hazel ang papel na Chona, na originally ay role ni Isabel Rivas sa movie version. First time mag-all out kontrabida ni Hazel.

"Enjoy din pala maging maldita!" tawa niya. "Nag-bonding na nga kami ni Ate Iwa [Moto] dahil kami-kami ang magpapahirap kay Nadine sa story.

"Magkakilala naman kami ni Nadine kasi halos nagpang-abot kami noon sa Star Circle. I was in Batch 9 at Batch 8 naman sina Nadine at Dennis. Kaya hindi na kami nag-adjust pa kasi magkakilala na kami noon pa."
GMANEWS.TV

No comments: