Doting mom Kris secures future of her two boys
Nanay na nanay si Kris Aquino kapag napag-uusapan ang munting anghel nila ng cager husband niyang si James Yap na si Baby James.
Magta-tatlong buwan na si Baby James sa July 19, at proud magkuwento si Kris ng mga latest development about her second child.
"Lumaki na si Baby James at maputi na siya," masayang tsika ni Kris sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Feeling ko, 'yun na talaga 'yung kulay niya kasi halos ka-color na niya si Josh, e. So, mas maputi na siya. Tapos siguro, puputi pa siya pagtagal.
"Kasi, di ba, dati ang liit niya at ang payat? Kasi 17 inches siya and 4 lbs. nung ipanganak. Ngayon, 22 ½ inches and 9 ½ pounds na. Galing, ‘no?" all-smiles na kuwento ng actress-TV host.
Ayon pa kay Kris, binubuhat na ng mister niya si Baby James dahil medyo lumaki na ito. Noon daw kasi ay ayaw kargahin ni James ang baby. Alam na rin daw ni James kung paano magpa-burp ng sanggol, na dati ay hindi nito kayang gawin kay Baby James.
Ano yung pinakamahirap na part sa pagiging nanay niya ngayon ng dalawang boys?
"The time when you're away. Stressful!" bulalas niya. "Kasi, talagang nag-aapura ka. Gusto ko nang umuwi para ma-check o 'yung nagi-guilty ka minsan kasi umalis ka, patulog pa lang; tapos pag-uwi mo, tulog na rin...
"So, parang hindi ka naamoy, hindi ka narinig. 'Yung ganon? Tapos, na-guilty talaga ako when we went to Boracay na nag-text yung nurse sa akin na, ‘Ma'am, alam mo? Nung mag-umpisa ang Deal or No Deal, umiyak si Baby James nung marinig ang boses mo.'
"Sabi ko, ‘Dahil ba sa kaingayan ng boses ko kaya umiyak, o na-miss ako?' Ha! Ha! Ha! So, ‘yon! And also [balancing time]. Kasi, like how to give attention and importance kay Josh and to emphasize the need na magmahalan silang dalawa. So, kailangan balanced talaga.
"By the time he's [Baby James] four months or between four to five months, doon na siya magiging at par na with all the other kids na hindi premature ipinanganak," dagdag pa ni Kris.
Anu-ano bang traits niya ang sa tingin niya ay namana sa kanya ni Baby James?
"Pleasant siyang bata, e. Hindi ko alam kung sa akin ‘yon, parang hindi yata dahil demanding daw ako nung baby ako!" tawa niya.
"Pero siya, he really only cries...he hates pag binibihisan. 'Yun lang talaga. Galit na galit siya pag nagtsi-change diapers, nagtsi-change damit o 'yung pag after ligo, na habang nilo-lotion, tina-touch-touch? 'Yun ang ayaw niya. Pero most of the time, talagang pleasant baby siya," puri niya pa sa kanyang bunso.
Ayon kay Kris, hindi pa nagsu-shoot si Baby James para sa anumang produktong ie-endorse nito.
"Coming pa lang, next month," ani Kris. "Kailangan, fifteen weeks siya bago siya mag-shoot para at least, kaya na 'yung ilaw. Tapos, four hours lang. Kasi, ruling ‘yon ng DOH [Department of Health]. Meron pang DOLE [Department of Labor and Employment] at DSWD [Department of Social Welfare and Development], ang daming permit [na kailangan]."
Is it true na one million pesos ang asking price niya para sa endorsement ni Baby James?
"More!" natatawang sagot ni Kris. "Oo, bakit?! Di hamak mas mahal siya roon! Hello!
"At saka for his future ‘yon, e. Everything that Josh has earned in the past also, lahat ‘yon nasa ano... It's called living trust, na makukuha mo when you're 25 years old. So, habang hindi mo ginagalaw, lumalaki nang lumalaki.
"Kasi, di ba, sobrang unsure 'yung profession ko at ang profession ni James? So, at least, 'yung anak namin, siguradong okay. Para come what may, kung anuman ang gusto niya, at least nakita niya...
"I'll show him the DVD na, ‘When you were a baby, ito ang ginawa mo!' Later on, ipakikita ko sa kanya ‘yon. Kasi, tinatago ko naman talaga lahat," sambit pa ng doting mom na si Kris.
Source
No comments:
Post a Comment