Jul 26, 2007

Diether clears issues on marriage with Kristine Hermosa

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Noong nagsisimula pa lang ang relasyong Diether Ocampo at Kristine Hermosa ay naging mainit ang balitang ayaw daw ng pamilya ng aktres kay Diet (palayaw ng aktor). At kamakailan, nabuhay ulit ang usap-usapan tungkol dito noong hindi raw nadalaw ng aktres ang kanyang Mommy Mai nang ma-ospital ito. Ang kumakalat na dahilan: ‘di raw pinayagan ni Diet si Kristine na silipin man lang ang ina.

PEP (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Diet last Sunday in ASAP '07. Inamin sa amin ng aktor na ikinasasakit nang husto ng loob niya ang mga lumabas na issue dahil kahit kailan ay ‘di niya pinagbawalan si Kristine sa mga bagay na gusto nitong gawin, lalo na pagdating sa kanyang pamilya.

"Masakit sa loob ko...Yung mga nakakarating sa aking
balita, wala naman akong karapatan na gawin 'yun. 'Saka kung sino man ang mga malalapit sa puso ni Krsitine, mahal ko lahat ang mga ‘yun. Ako, mahal ko rin ang pamilya ko, kaya bakit ko siya pagbabawalan na dalawin ang mommy niya?

"Actually ‘di ko kailangang i-defend ang sarili ko, alam naman natin ang totoo. Saka kilala ninyo naman ako, 'di ako magsasalita ng mga bagay na ikasisira ng ibang tao."

According to Diet, hindi sila nakadalaw sa hospital because of work, pero hindi naman nangangahulugang wala silang pagpapahalaga sa Mommy ni Kristine.

"Katunayan nga, nagpadala kami ng fruits. ‘Di kami nakarating kasi ako may trabaho, nasa Cebu naman si Kristine, so walang pagkakataon," ang paliwanag ng lead star ng defunct TV series na Rounin.

Napag-usapan din ang tungkol sa umano'y pagpapawalang-bisa ng korte sa kasal nila ni Kristine. (Lumabas sa PEP ang naturang article noong July 7.) Matatandaang nagpakasal sina Diether at Kristine sa isang civil rite sa Nueva Ecija noong September 12, 2004, pero nag-file ng annulment ang aktres noong June 21, 2005.

Ani Diether: "Wala pa, kahit tanungin ninyo ‘yung solicitor general na may hawak nito, siya ang makapagpapatunay kung ano ang estado nung petition. Wala pa akong natatanggap ng kahit na ano, sana alam ko ‘di ba?"

Kung saka-sakaling mapawalang-bisa na nga ang kasal nila, ano naman ang masasabi niya? "Ako, bakit ko naman gugustuhin na mawalang-bisa 'yung kasal namin? Sa akin lang, tinatama lang naman ang mali," wika ni Diet.

Katatapos lang ng Rounin pero heto't may kasunod agad na bagong proyekto. Kumpirmado na si Diet ang makaka-love triangle nina Bruce Quebral at Wendy Valdez sa sisimulang teleserye ng ABS-CBN on July 30, ang Margarita. Sa mga blessings na tinatanggap ni Diet ay nakikinabang din ang mga beneficiaries ng kanyang New Kids Foundation.

"Mayroon project ang Kids Foundation, ‘Isang Milyong Aklat, Isang Milyong Pangarap'. Puwede kayong mag-donate ng libro, lahat ng klaseng libro sa Pizzahut stores, basta magagamit sa elementarya at sa high school. At ido-donate namin ito sa mga public schools—more than 200 public schools na nangangailangan ng pagbabago sa kanilang public school libraries," pag-iimbita ni Diet.
GMANews.TV

No comments: