Jul 31, 2007

Comment on why Angel Locsin's transfer to ABS-CBN is a hot topic

May nabasa kami na bakit daw noong lumipat sina Patrick Garcia, Marvin Agustin, Camille Prats, John Lapus at Jolina Magdangal sa GMA 7 ay hindi bumira ang iniwang network.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Iba ang estado ng mga ‘yan. Wala na silang career sa Dos noong lumipat.

Si Angel, ginawang reyna sa Siyete at maraming trabaho na nakalaan para sa kanya.

Tama ang sabi ni Redgie Magno (program manager ng mga serye ni Angel) na kung nagpaalam nang maayos

sina Angel at Ma’am Becky, at hindi itinago ang balak nilang paglipat-bakod, ay wala sanang problema.

Kung nag-offer ang Siyete at hindi sila nagkasundo, maayos sana ang paghihiwalay nila.

Natatandaan pa namin, nang isulat namin ang panig ni Angel sa hidwaan nila ni Ma’am Becky, nag-text sa amin si Ma’am Becky para linawin ang ilang bagay contrary sa mga sinabi ni Angel.

Ngayon, sila ang magkasama.

Wish namin na sana, tama ang desisyon nila. Sana, hindi nila pagsisihan ang desisyong ito.

Kawawa ang ibang nadamay sa isyung ito.

***

Maswerte ang mga artistang maraming trabaho kumpara sa mga hindi nabibigyan ng trabaho.

Kung ano man ang iwan nila ay maraming sasalo sa mga trabahong ayaw nila.

Strike while the iron is hot, ikanga. Kapag wala na ang mga trabahong iyan, hahanap-hanapin ninyo ‘yan.

Malaki ang kinita ni Angel. Isiniwalat ni Ma’am Wilma na noong 2006 hanggang kalagitnaan ng 2007, mahigit P60M ang kinita ni Angel sa shows niya sa GMA at sa commercials at endorsements na trinabaho ng Siyete.

Hindi kasama riyan ang ibang mga raket ni Angel, gaya na lamang ng mga pangangampanya ng young actress noong nakaraang eleksyon.

Hayan nga at nakabili si Angel ng bahay worth P15M at cash nagbayad sa sasakyang worth P5M.

Sa laki ng kinita ni Angel, kahit na tumigil na siya ng pag-aartista at seryosohin niya ang negosyong papasukin niya, ayos na ang kinabukasan niya.

Di ba, Maniacquita? Talbog!

***

May tsika na sinilip daw ng kampo ni Angel ang malaking kinikita ni Richard Gutierrez.

Di hamak naman na mas sikat at bata pa lang ay artista na si Richard?

Tatlo ang shows ni Richard sa Siyete – teledrama, Nuts Entertainment at SOP – samantalang kay Angel ay teledrama lang.

Naku! Tigilan nila si Richard! Tahimik ang gwapong aktor at hindi mo makikitaan ‘yan ng reklamo.

Madalas ay sa kanyang sasakyan na lang siya natutulog habang palipat-lipat ng lokasyon ng kanyang mga eksena sa Lupin.

Kaya naman napakaraming blessings ang dumadating sa young actor at una sa lahat ay ang pamilya niya ang nakikinabang sa mga ito.

Joe Barrameda
Abante-Tonite

No comments: