Angel nami-miss ni Dennis
Blessing at hindi demotion kay Dennis Trillo na after Super Twins na primetime, ang next project niya sa GMA-7 na Kung Mahawi Man ang Ulap ay pang-afternoon block.
Sa halip na magpahinga at maghintay ng bagong primetime show, may kasunod agad siyang trabaho at sa Lunes na magsisimula after Pati Ba Pintig ng Puso?, kapalit ng Sinasamba Kita.
Kahit rater siya, pressured si Dennis dahil
ang papalitan nilang show ay record-breaker sa taas ng rating.
Wish nitong maging maganda rin ang rating nila from start to finish at pinaghihirapan naman nilang lahat mula kay Direk Mac Alejandre ang trabaho.
Si Nadine Samonte ang kapareha ni Dennis sa KMMAU, first time nilang magtatambal dahil sa Super Twins, magkasama lang sila.
Dito, may kissing scene pa sila at based sa trailer, sabi ni Vero Samio, maganda humalik si Nadine.
Hindi nakaiwas tanungin si Dennis sa isyung paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN dahil friends sila at maraming beses nagkapareha.
“Malaking kawalan sa GMA si Angel at parang ‘di na GMA kung wala siya. Reyna siya rito, doon, ang dami niyang kakumpitensya, pero naniniwala akong mapapabuti siya sa Channel 2 dahil ’di siya lilipat kung ’di siya aalagaan at bibigyan ng magagandang project. Superstar siya at imposibleng ’di siya alagaan doon.”
Ipinagtanggol din ni Dennis si Angel sa mga nagsasabing ingrata ang actress.
Sabi nito: “Medyo, mabigat na paratang ’yan, pero ’di ko masasabing ingrata siya. Sariling diskarte at desisyon niya ’yon.
“May mga dahilan kung bakit niya ginawa. Sa pag-alis niya, marami ang nalungkot at kasama ako dahil friend ko siya.”
Umaasa si Dennis na kahit wala na sa Channel 7 si Angel ay matutuloy ang pelikula nilang may tentative title na When I Met You sa Regal to be directed by Joey Reyes.
Mukhang sa pelikula na lang ang kanilang tambalan at malulungkot ang naghihintay na fans kung pati ’yon, hindi matuloy.
Siya, gaano niya kamahal ang GMA-7?
“Sobrang mahal dahil sila ang sumagip sa career ko. Wala akong nakikitang dahilan now and in the future para lisanin sila.
“Feel ko ang pagmamahal nila sa akin at malaki ang utang na loob ko sa kanila. ’Di ako nawawalan ng project. Masayang-masaya ako rito.”
Ang pagka-burnout ang isa sa mga rason ni Angel kung bakit ginustong lumipat. Siya ba’y ganu’n din ang problema?
“Medyo mapapagod ka rin, pero ’pag inisip mong ayaw mong magtrabaho, nakatatakot dahil ang daming bagong artistang handang pumalit sa ’yo. Wala kang karapatang mapagod dahil ang iba’y nagmamakaawang magkaroon ng trabaho, tapos ikaw aayaw?”
Kung nakausap niya si Angel, ano ang sasabihin at ipapayo niya rito?
“Sasabihin ko, dito na lang siya sa GMA. Sayang, she’s one of the prized possessions at inalagaan siya, pero dumating ang time na kailangan niyang mag-desisyon. Respetuhin na lang natin.
“Ang wish ko lang, masaya kang lagi at maalagaan ka nang husto. I’m sure, ’di siya pababayaan at maraming project ang ibibigay sa kanya. I miss you.”
Nitz Miralles
People's Tonight
No comments:
Post a Comment