Jul 21, 2007

Angel Locsin's transfer to ABS-CBN not only about money, says manager

Kahapon, July 20, alas-tres ng hapon naganap ang meeting ng manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila sa mga executives ng ABS-CBN na sina Malou Santos (managing director of Star Cinema) at Cory Vidanes (production entertainment head) sa mismong bahay na ipinatayo ni Angel Locsin sa Commonweatlh, Quezon City.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Inabot ng mahigit isang oras ang meeting ng dalawang kampo. Right after the meeting, naganap ang exclusive interview ni Boy Abunda para sa The Buzz sa ama ni

Angel na si Mr. Angel Colmenares at pagkatapos ay sinamahan siya ni Becky.

Bukod sa show at pelikulang gagawin ni Angel sa ABS-CBN, pumayag diumano si Becky na maging co-manager niya ang network sa pagha-handle ng career ng alaga niya. Matatandaang co-manager din ni Becky ang Artist Center ng GMA-7 bago nag-expire ang kontrata ni Angel sa Kapuso Network.

Total package daw ang ibibigay na pagha-handle ng ABS-CBN kay Angel, pati na sa kanyang personality development. Kabilang daw sa pangangalagang gagawin ng ABS-CBN kay Angel ay ang pagha-hire ng personal trainer/ teacher na magtuturo sa young actress sa pagsasalita lalo na sa wikang Ingles, pananamit, at iba pa.

May balita pa na kasabay umalis ni Becky kanina, July 21, ang personal trainer/teacher ni Angel papuntang London. Dito magsisimula ng trabaho ang personal trainer/teacher ni Angel pagdating nila sa London.

Samantala, habang nagaganap ang pag-uusap ng manager at ama ni Angel with ABS-CBN executives, nagpadala ng farewell letter ang abogado nina Angel at manager niya sa GMA-7 nung araw ring ‘yon. Ilan sa nilalaman ng sulat ang pagpapaalam na hindi na pipirma ng bagong kontrata si Angel sa Kapuso Network at ang pagpapasalamat sa lahat ng nagawa ng network para sa young actress.

Kumpirmado rin daw na triple ng kinikita niya sa GMA-7 ang nakuhang offer ng kampo ni Angel sa ABS-CBN. Pero more than this, nilinaw ni Becky kay Boy—na mapapanood sa The Buzz bukas, July 22—na hindi lang dahil sa alok na talent fee kay Angel kaya sila lumipat sa ABS-CBN.

Napakaganda raw kasi at napakalawak ng offer at opportunity para kay Angel ang ibibigay ng ABS-CBN sa kanyang alaga. Naging maayos din daw ang kanilang pag-uusap at pumayag ang Kapamilya Network sa mga gusto rin nila para kay Angel. Pero wala pa talagang finality ang pag-uusap nila with ABS-CBN dahil hindi pa nakakapirma ng kontrata ang young actress.

Ayon sa aming source, hindi pa rin tapos ang negotiation between the two camps kaya wala pang kontratang nagagawa. Ni wala pang kasiguruhan kung ano ang magiging unang project ni Angel sa ABS-CBN.

Nilinaw ng source ng PEP na malapit kay Angel ang tungkol sa kontrata ng young actress sa Regal Entertainment. Ayon kay Becky, tapos na ang eight-picture contract na pinirmahan nila sa Regal. Pero ang kini-claim diumano ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ay hindi kasali sa pinirmahang kontrata ni Angel sa Regal ang mga pelikulang naging co-producer nila ang GMA Films, ang film arm ng GMA-7.

Aware naman daw si Becky sa isyu ng Regal. Ayon sa kampo ni Angel, naayos na raw nila ‘yon with Mother Lily at nakipag-compromise sila na gagawa na lang ng isa pang pelikula si Angel sa Regal Films. Ito ang pelikulang pagsasamahan nina Angel at Dennis Trillo na isu-shoot ng young actress pagbalik from London.

Ayon sa abogado nina Angel at Becky, hindi naman nakalagay sa kontrata nila sa Regal ang co-production projects ng young actress sa bakuran ni Mother Lily na hindi kasali sa pinirmahan nila sa nasabing film outfit. But out of gratitude kay Mother Lily, gagawa pa rin si Angel ng isa pang pelikula sa Regal.

Inaaasahan ang iba't ibang reaksiyon na makukuha ni Angel mula sa mga dati niyang kasamahan sa GMA-7 at sa publiko dahil sa career move niyang ito. Pero siguradong may malalim na dahilan kung bakit nagdesisyon siyang lumipat sa kabilang network.
GMANews.TV

No comments: