Angel Locsin speaks up for the first time
Nagsalita na sa unang pagkakataon ang pinaka-kontrobersiyal na aktres ngayon na si Angel Locsin sa exclusive intreview sa kanya mula sa London na ipinalabas sa The Buzz kahapon, July 29, sa ABS-CBN. Sinundan ng ABS-CBN Europe correspondent na si Gene Alcantara si Angel mula sa Henry VIII Hotel sa Queensway, West London, hanggang sa lumipat ang young actress sa Assumption Convent ng The Royal Borough of Kensington and Chelsea.
Ipinakita sa The Buzz ang eskuwelahang pinapasukan ni Angel, ang London College of Fashion, na nasa Oxford Circus Central London. Natapos na niya ang two-week crash
course sa fashion at isang course pa raw ang kanyang tatapusin bago bumalik ng Pilipinas.
"Actually, exciting and marami akong natutunan. Ang mga kaklase ko, iba-iba kami ng nationality. Gusto ko meron akong bagong matutunan para sa sarili ko. Meron kaming gagawing sportswear line and malapit na kaming magsimula, so heto pinaghahandaan ko na para makapag-design naman," kuwento ni Angel.
Tinanong ni Gene si Angel kung naka-focus naman siya sa course niya sa London.
"Oo naman," sagot niya. "Dapat lang kasi short course lang, e. So, kailangan ko talagang magpursige. Hindi pa nga po ako natutulog kasi gumawa ako ng mga designs kagabi. Parang taping din pala ito, ngaragan din."
Kuwento pa ni Angel, may isang Pinay daw ang nakilala niya sa London College of Fashion, pero hindi niya sinabing artista siya dito sa Pilipinas.
"Nahihiya nga ako, e. Saka ko na lang [sasabihin] para simple lang. Normal lang. Tinawagan niya ang Mom niya, e, ang tagal na niya dito [London]. Seven years na yata dito. Hindi na niya ako naabutan sa Pilipinas nung nag-start ako [five years ago].
"Tanong niya, parang ‘Ikaw nga, magtapat ka sa akin. Artista ka ba sa Pilipinas?' ‘Hindi.' Ewan ko lang kung naniniwala siya," lahad pa niya.
BUHAY-LONDON. Kakaibang experience daw kay Angel ang pag-aaral sa London at hindi maiwasang manibago siya sa takbo ng buhay doon.
"Kapag naglalakad ka sa street, makikita mo ‘yung mga tao, nakaayos lahat. Lahat sila, presentable. Kailangan mag-ayos kasi diyahe naman sa kanila. So 'eto, okay din suot ko, ‘yung mga trenchcoat, nakapag-boots ako.
"Hindi ko pa ho masyadong naiikot, e, kasi laging hotel tapos school. Pero nanibago lang ako. Ang bilis ng pacing ng buhay dito. Ang bilis maglakad ng mga tao pag sumasakay ka ng escalator. Kung gusto mong tumayo, dapat sa right side ka lang kasi kung hindi, sisigawan ka ng mga tao talaga. Kasi nagmamadali sila, e. Ewan ko, pati ikaw nagiging ganun, parang tumatakbo rin," kuwento niya.
Na-experience ni Angel sa London ang sumaksay sa train na mag-isa. Mas naging independent pa raw siya, hindi gaya dito sa Pilipinas na meron siyang laging kasama.
"Sarap!" lahad ni Angel. "Well, siyempre na-miss ko ‘yung pag-arte ko, miss ko ‘yung katrabaho ko lahat. Sarap lang na naglalakad diyan walang pakialam, nagagawa mo kung anong gusto mo. Medyo parang feeling ko, medyo nakakaisa ako sa mga kasama ko kasi hindi nila alam kung ano talaga ang trabaho ko.
"Wala, nakakatuwa lang. Okay na rin na parang mas natututo ako. Nagiging independent ako na hindi ako naka-rely sa PA ko, sa driver ko. Dito, kailangan ikaw ang gumawa, e. Bitbit ko lahat ng gamit ko."
ISSUES BACK HOME. Nakarating din kay Angel ang balitang kasama raw niya sa London ang boyfriend na financier niya ngayon at ang ABS-CBN daw ang gumastos sa kanyang pag-aaral sa London.
"Ano ba ‘yon?" natatawag sagot ni Angel. "Hindi, actually, ‘yung company ko, sila talaga ‘yung nagbayad, sila ‘yung nag-sponsor. Hindi po.
"Naku po, Diyos ko po, wala nga po akong kakilala dito. Mag-isa lang ako. Natawa lang ako, kasi itong pagpunta ko sa London, dati pa ito. Ang tagal na naming pinaplano, months ago pa ito.
"Imposible po talaga na may Papa po ako dito kasi nakatira po ako sa mga madre. Okay na rin kasi safe din sa akin, medyo spiritual ang dating."
Very much aware rin sa mga intriga sa kanya dito sa Pilipinas, pero minabuti na lamang niyang mag-focus muna sa kanyang pag-aaral. Haharapin daw niya ang lahat ng kontrobersiya sa kanyang pagbabalik.
"Mahirap din, e. Hindi ako nakakakilos kung anuman ang nangyayari sa Pilipinas. Hindi ko masabi kung ano ‘yung side ko. Hindi ko makausap ‘yung mga tao na dapat kong kausapin. Pero sinabihan ako ng mga partners ko na mag-concentrate muna ako dito dahil sandali lang naman ito, e," sabi ni Angel.
Mariin ding sinabi ni Angel na wala pang nagaganap na pirmahan sa pagitan ng kampo niya at ng ABS-CBN.
GMANEWS.TV
No comments:
Post a Comment