Angel binabanatan sa `di pagre-renew ng kontrata sa GMA 7
NALULUNGKOT kami for Angel Locsin, sa pinagdadaanan nito ngayon, na binobomba ng napakaraming intriga, magmula nang sumabog ang isyung hindi na ito magri-renew ng kanyang co-management contact with GMA Artist Center.
Matatandaang nag-expire na ang contract ni Angel with GMAAC, na tu-magal din ng ilang taon. Co-managed siya rito ng original handler niyang si Becky Aguila, na apparently, eh, ayaw nang papirmahin si Angel sa GMAAC ng co-management (kundi solo na lang nito).
Under contract si Angel kay Becky, kung kaya’t walang magagawa ang young actress kung anu-man ang decision ng kanyang business manager when it comes to her career.
Sa isang popular website sa Internet kung saan may malayang interaction ang matatalinong fans sa issues on their fave stars, iba’t iba ang reaksyon ng publiko sa isyung ‘ingrata’, ‘monster’ o sadyang walang utang na loob ang si-kat na aktres.
“No one has the right to dictate Angel on what to do with her life, and most of all, her money,” say ng isang nag-post (poster).
“Yes, GMA- 7 gambled to put her in the spotlight but she has already proven herself (as a bankable TV star),” opinyon ng isa pang poster.
Tulad ng maraming nag-post, feeling din namin ay foul para kay Angel ang negative publicities cros-sing her way. Let’s give her a break.
Sinabi naman niya at ng manager niyang sa GMA Artist Center lang sila hindi magri-renew ng contract. At sa pagkakaalam namin, wala pang final word kung pati sa GMA Netwrok mismo, dahil nga nakaalis na recently si Angel for London upang magbakasyon at diumano’y mag-aral ng fashion design.
* * *
NAGING ‘superstar’ in her own right si Angel sa Kapuso Network, so talagang hindi mo rin maiaalis, lalo na sa ugaling Pinoy, ang sense of ‘utang na loob, na sa totoo lang, eh, hindi mo malalaman kung ang ‘utang’ na ito ay nababayaran, at kung oo man ang sagot, paano mo masasa-bing bayad ka na nga, hindi ba?
Anyway, nakita namin at naobserbahan ang paglagare ni Angel sa sunud-sunod na trabaho niya from Mulawin hanggang Asian Treasures na lahat ay pumatok sa ratings, na-ging bigtime top-rating shows ng GMA 7.
Andun din kami nang hindi pa kasikatan si Angel at support pa lang ito sa unang Mano Po na gi-nawa niya, sa first shooting day nito ng said film, upang interbiyuhin.
Halos hindi na ito na-tutulog at talagang pagod sa dami ng commitments. Hanggang sa naging sikat na nga ito at puwedeng ipagmalaki ng GMA as one of their prime homegrown talent.
So, kakalungkot kung magkaka-”falling out” sina Angel at Kapuso Network. Nagkatulungan na on both ends, bakit hindi pa ituloy?
Unfair rin ang chikang lilipat ito sa ABS-CBN dahil wala pa rin naman daw negosasyon o formal offer from the Kapamilya Network for her to transfer, ayon sa kampo mismo ni Angel, at puro chismax pa lang.
“Hindi kami naniniwalang lumaki na ang ulo ni Angel. At kahit saan man siya pumunta, susundan namin siya!” tili ng mga fans ni Angel sa internet.
Sambit namang ng isa, “It’s the chance which was given by GMA to Angel but it’s the millions of Filipinos who have made her a big star!”
Meron din namang fans na ayaw lumipat ang kani-lang idolo sa Dos dahil may mga nagrireyna na nga rito like Claudine Barretto and Judy Ann Santos.
Nasa ‘waiting list’ na rin daw sina Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Anne Curtis at Sarah Ge-ronimo.
Papayag naman kaya ang handlers ng mga lo-yalistang na ito ng ABS-CBN na basta na lang sila ‘maungusan’ ni Angel sa -kali mang mag-ober da bakod ito sa Dos?
May on-the-side pang Sharon Cuneta and Maricel Soriano, although on a higher level na ang mga aktres na ito’t ‘di ka-level ng mga naunang nabanggit.
So, say ng matatalino at nagmamalasakit na fans, saan daw lulugar si Angel sa Dos kung saka-ling lumipat ito dito?
* * *
KUNG magiging independent star na si Angel na wala nang GMAAC at solo na itong ima-manage ni Ms. Becky, paaano ito tatanggapin ng GMA-7 mismo? That remains to be seen dahil nasa London pa sa nga-yon si Angel.
Pero, come to think of it, take the case of Pauleen Luna.
Galing ito sa ABS-CBN Star Magic, pero nang hindi rin ito nag-renew ng contract at kumuha ng solo ma-nager in the person of Lolit Solis �" at lumipat sa Kapuso �" eh, doon mas sumikat siya, sa totoo lang!
On the other hand, iba naman ang naging case ni Heart Evangelista na nang hindi na nag-renew sa Star Magic, na-freeze pansu-mandali ang career, pero unti-unti na ring nakababalik dahil nabigyan na rin ng Hiram Na Mukha ng Dos.
Pero again, in the case naman of Toni Gonzaga, from GMA-7 at lumipat sa ABS-CBN, eh, mas sumikat ito sa Kapamilya Network.
Nasa diskarte yan ng manager, pero nasa talent din kung talagang may ibubuga atmay ‘longevity factor’ na tinatawag �" pang-matagalan ba o pang-ilang taon lang ang itatagal na kasikatan?
We’re not very close to Angel, pero aside from being an honest interviewee �" as we have personally experienced sa past presscons nito �" we believe that Angel Locsin is one of our better young actresses na napa-kalayo at malawak pa ang pupuntahan �" mahawakan lang ng matitinong direktor.
Kung ano man ang maging desisyon ng mga tao behind her career, sana lang ay it’s for the better, at hindi nila pagsisihan bandang huli.
Mell T. Navarro Philippine Journal
No comments:
Post a Comment