Jun 29, 2007

Toni Gonzaga Will Have Keloid On Lip Removed

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ibinalita ng young TV host/actress/singer na si Toni Gonzaga na magpapaopera siya ng kanyang labi na nasugatan nang nangudngod ito sa flooring ng swimming pool sa isang commercial shoot. Aniya, mawawala siya ng isang linggo para sa nasabing operasyon.

“Right after Pinoy Big Brother 2 naman, I think I don’t have anything yet to do. So I will also be resting, pero hindi naman isang buwan,” sabi ni Toni sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng kanyang second album under Star Records kaninang tanghali, June 28.

“It’s only about a week kasi pinatingin namin sa doktor, mali ‘yong ginawa namin dito [pointing to her lip]. Kasi minamadali nila ako para umapir sa TV. Nilagyan lang nila kasi ng glue kaya ‘yong tissue at kinonek lang, so hindi ito ini-stich. So what happened now ay nagkaroon ng spare skin and it’s growing into a keloid. It’s not good kasi lumalaki talaga siya and it will reach up to here [sa nose],” kuwento ng TV host-actress.
Source

No comments: