Jun 27, 2007

Pinoy Big Brother: Bruce Quebral Booed At Buti Nga Sa Iyo

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
I can't stop myself from commenting about Bruce. First, why all of a sudden si Wendy ang binabandera mong dahilan na sole reason mo sa pag-stay sa loob ng PBB house.
Nakalimutan mo na ba ang desire mo na matulungan ang family mo? Kay Wendy nga lang ba naka-focus ang game plan mo?

Second, salamat sa lahat ng nasa loob ng eviction hall kagabi at nag-boo talaga kayo kay Bruce.
Kasi, isa ako sa maraming na-upset na hindi mo man lang hinintay makalabas bago ka nag-desisyon about Wendy. KAWAWA talaga ang current girlfriend mo noon. Hello, isa ka bang super duper sikat na celebrity para kayanin mong maki-pagbreak sa pamamagitan ng TV?!
Una, hindi ka naman ganoon ka-gwapo at pangalawa hindi ka naman super rich noh!
Kahit naman siguro ang mga lalaking super babaero hindi naman ganyan kasakit ang gagawin nila sa girlfriend nila bago gumawa ng bagong relationship. Hindi mo man lang inisip na kahit sino mapa lalake o babae eh kailangan ng closure once ang love nila ay ayaw na sa kanila.

Third, bakit kalalaki mong tao hindi mo man lang pinigilan si Wendy sa mga pinanggagawa niya?!
It seems kinonsinti mo pa siya...The ball was in your court ika nga. Dahil ikaw ang closest kay Wendy, dapat nanggaling mismo sa iyo na i-control ang self-righteousness niya. Hindi eh, lahat ng ibang house-mates sa loob akala niyo hawak niyo at pwedeng kaya-kayanin ng girlfriend mo anytime. Ang tanong ko sa 'yo, how would you feel kung ang kapatid mo ay nasa sitwasyon ni Gee-ann or Bea at napapanood mo na ang boyfriend ng nang-aaway sa kanila ay parang nakikisawsaw pa...would you be happy about him? That's why nga abot langit ang galit ng fans, family and friends nina Gee-ann and Bea sa iyo, hindi lang kay Wendy. So, I hope magka-idea ka na why you were booed last night. Nek-nek nyong dalawa ni Wendy!!!!
---Ela---

No comments: