Jun 28, 2007

Pinoy Big Brother: Nel Rapiz A Winner Still With A Plum Offering To Co-host A Show In Abs-Cbn

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

PBB 2 evictee Nel Rapiz, pwede na bang maging co-host ng isang travel show?
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Thursday, June 28, 2007

Sa bibig mismo ng pangulo ng Bayan Pro­d­uctions at host ng travel show na Trip na si Katherine de Castro nanggaling na kukunin niya si Nel Rapiz, ang pinaka-latest na PBB2 evictee, para maging co-host ng kanyang progra­mang Trip na napapa­nood tuwing Biyernes, 11:30NG sa ABS CBN. Makakasama nito ang tatlo pang co-hosts ng show na sina Uma Khouny, Jayson Gain­­za at Franzen Fajardo na katulad ni Nel ay mga produkto rin ng PBB para ma­katulong ni Kat sa na­sabing travel show.

Ang Trip ay may re­play sa limang rehiyon ng TFC (US, Canada, Europe Australia & the Pacific, The Middle East at Asia.

Sinabi ni Uma na ka­sali pa rin nila si Franzen kahit na wala ito sa mga posters.

“Mabuti na yung ka­sali kahit wala sa poster kesa naman nasa poster nga pero di na­man na­min kasa­ma.”

Ang iba pang pro­grama ng Bayan Prod­uctions ay ang Kabu­hayang Swak na Swak, Sabado, 7NU at Linggo, 8NU, hosted by Amy Perez at ang Ur­ban Zone ni Daphne Osena, Linggo ng ha­tinggabi, tungkol sa ultimate dream ng Pinoy na pag­kakaro’n ng sari­ling ba­hay.

Sinabi ni Gng. Ar­lene de Castro, ang may­bahay ni Vice Pres­ident Noli de Castro na nagha­ha­nap pa lamang ng slot para sa kanya ang GMA pero ka­pag naka­kita na mala­mang ay mag­lagay din siya rito ng kanyang programa. Na­pag-usa­pan na nila ito ng mga execs ng GMA at payag naman daw ang kala­bang network na i-accom­modate ang isang Ka­pamilya na tulad niya.

Talaga sigurong mga game shows ang bagay sa personality ni Edu Manzano. Sa latest survey ng AGB Niel­sen, muli na na­mang nagtala ng na­pakataas na viewer­ship ratings ang kan­yang progra­mang Pili­pinas Game Ka Na Ba? At di lamang ito sa Kamaynilaan kun­di maging sa su­burbs.

Syempre over­whelmed si Edu.

“Di ko inaasahan ang ganitong recep­tion. Nagpa­pasa­lamat ako sa mga fans dahil sa kanilang patuloy na suporta at makaka­asa sila na gagawin ko ang lahat para di sila ma­bigo sa akin,” aniya.
Source
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

No comments: