Jun 30, 2007

Pia Denies Alleged Marriage To Vic



Naging medyo kontrobersiyal kasi si Pia nang hindi magustuhan ng entertainment columnist na si Dolly Anne Carvajal interview niya kay Annabelle Rama sa Showbiz Central noon. Ayon kay Dolly Anne, hindi raw na-handle ni Pia nang maayos ang situwasyon at hinayaan nitong pagsalitaan siya ng masasakit na salita ng ina ni Ruffa Gutierrez.

"You cannot control Tita Annabelle when she's on a rampage," nakangiting sabi ni Pia. "Marami nga akong narinig na comments daw, pero ang sabi ko na lang sa mga nang-iintriga, ‘Why don't you try?' na sila ang mag-interview kay Tita Annabelle kapag galit ito. Isa pa, sinabihan na rin ako ni Tita Annabelle na 'Hindi mo ako mapipigilan, ‘Day, kung ano ang gusto kong sabihin.'

"Regarding Dolly Anne, nagulat lang ako sa reaction niya, but I have no animosity with her. It's not a matter of pride sa akin, na nang malaman kong nasaktan siya, nag-sorry agad ako sa kanya sa show. Carry ko na rin ang intriga, saka I believe na everybody is entitled to their opinion. I know some will like me, and some will not. Alam ko namang hindi ko mapi-please ang lahat ng tao.

"Saka happy kami sa rating ng aming show. One month and a half pa lamang kami sa air, at hindi naman nalalayo ang rating namin sa katapat na show at minsan na rin namin silang natalo. Kaya we try our best na maiba rin ang presentation namin every week."

Hindi na rin pinalampas ng PEP na tanungin si Pia kung kailan na ba ang kasal nila ni Vic.

"Not this year, maybe next year," diretsong sagot ni Pia. "And please let it be clear na hindi totoong nagpakasal kami ni Vic sa Las Vegas. Kung ginawa namin ‘yon, magagalit sa akin ang Showbiz Central dahil hindi nila nai-cover!

"Pag-uusapan namin talaga ang date ng wedding kasi ang gusto ko talaga, mag-honeymoon sa Europe kahit one month lang. Hindi pa kasi ako nakapupunta anywhere in Europe. Kaya hihingin ko ‘yong wedding gift sa akin ng mga boss ko sa aking mga shows. Hindi ako partikular sa wedding gown and wedding preparations, mas gusto ko pa nga ang simple wedding. Basta ang mahalaga sa akin, nandun lahat ang mga love ones ko."
Source

No comments: