Jun 26, 2007

Juday, galit sa ginawang katrayduran ni Bb. Joyce

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Star Cinema photo from (L to R) Piolo Pascual, Joyce Bernal, and Judy Ann Santos.

SHOWBIZ MISMO! Ni Cristy Fermin
Tuesday, June 26, 2007


Nasagot na rin ang tanong at pagtataka ng mga tagahanga ni Judy Ann Santos kung bakit wala man lang partisi­pasyon si Bb. Joyce Bernal sa selebrasyon ng kanyang ika-20 taon sa showbiz.

Nagkalimutan lang ba, sinubok ba ng pro­ duksyon na kunan ng pagbati si Bb. Joyce, pero hindi ito available? Ma­babaw ang katwirang meron itong trabaho, anumang kompromiso ay makakayang ipag­paliban para sa isang kaibigan, hindi bibilhin ng bayan ang ganung alibi.

Ang mismong man ager na ni Judy Ann na si Mama Alfie Lorenzo ang nagbigay-linaw sa isyu, masama pala talaga ang loob ngayon ng batang superstar sa kanyang itinuturing na kaibigan, dahil sa ginawa nito na ayon sa lengguwahe ni Mama Alfie ay isang katrayduran.

Tungkol yun sa mga eksena nina Judy Ann at Piolo Pascual sa peli­kulang Don’t Give Up On Us na ipinakiusap ng aktres sa director kung maaaring putulin at huwag nang isama pa sa kabuuan ng pelikula.

Sa pagkakaalam na­min ay nagkaroon ng argumento sa pagitan nila noon, ang kalayaan nito bilang director ang pinairal ni Bb. Joyce, pero ang personal naman niyang pakikipagre­las­yon kay Ryan Agoncillo ang una para kay Juday.

Yun ang panahong hindi pa bukas ang utak ni Ryan tungkol sa tam­balan nina Juday at Piolo, mainit pa ang kapaligiran noon at syempre nama’y naninimbang si Juday sa kanyang karelasyon.

Pero nakarating sa kampo ng aktres na ang mga pinutol na eksena nina Piolo at Judy Ann sa pelikula ay ipinamigay diumano ni Direk Joyce sa mga tagahanga ng dalawa, dun na nagsi­mula ang malaking pader sa kanilang pagitan; yun ang pinag-ugatan ng pagkasira ng dating ma­ganda nilang samahan.

* * *

Parang kapamilya na ang turing ng pamilya ni Judy Ann kay Bb. Joyce, sa mga pagtitipong pam­pamilya lang ng mga Santos ay lagi itong im­bitado, super close sila ng aktres.

Isang panig pa lang ang sumisingaw tungkol sa isyu, wala pa tayong naririnig mula sa director na mukhang estudyante sa high school ang itsura, hindi kalabisan kung bibigyan din natin ito ng pagkakataong puma­rehas sa laban kung kinakailangan at kung handa itong magbigay ng kan­yang panig.
Source

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

No comments: