Jet Li In The Philippines, Will Shoot An Ad For San Miguel
Naging mailap ang Chinese and Hollywood superstar na si Jet Li nang humarap sa ilang piling miyembro ng media sa Manila Diamond Hotel sa Roxas Boulevard kahapon, June 28.
Mahigpit ang security ng martial arts expert. Walang puwedeng mag-interview, makipagkamay, o magpa-autograph sa kanya noong una.
Bago siya dumating sa venue, siniguro ng mga security personnel ang kanyang daraanan.
Ayon sa kanyang tagapagsalita, hindi raw gaanong marunong magsalita ng English ang Chinese actor kaya’t nahihiya itong magpa-interview.
Pero naging magiliw sa pakikipag-usap ni Jet sa mga naroon. Nagpaunlak pa ito ng pagkakataon na makapagpa-picture ang lahat kasama siya. Dito nagkaroon ng tsansa ang GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal) na makatabi at makausap ang martial arts expert.
Very charming si Jet sa malapitan. Ibang-iba ang Jet Li na nakaharap namin sa action star na aming napanood. Sa kanyang mga pelikula, mahaba ang kanyang buhok. Pero ngayon ay skinhead na ang kanyang look at may mga pileges na siya sa gilid ng mata kapag ngumingiti.
Maliit lang pala siya, mga 5′5″ ang taas, pero matipuno ang pangagatawan. Sinsero ang kanyang mga ngiti at pakikipag-usap. Sa putol-putol niyang Ingles ay nasabi nito ang ganda ng ating bansa.
“Very beautiful, very, very beautiful,” nang itanong namin kung ano ang masasabi niya sa Pilipinas.
Ikalawang beses na raw niya itong bumisita sa Pilipinas. Mamamalagi raw siya dito ng ilang araw para sa shooting at pictorial.
Narito si Jet Li upang gumawa ng TV at print ads para sa San Miguel Beer. First time ito para sa beer company na kumuha ng isang Hollywood star para mag-endorse ng kanilang produkto. Ire-release naman ang nasabing mga ads sa kabuuan ng Asya.
Ayon sa aming source, isu-shoot ang nasabing ad sa Boracay at mapapanood daw ito sa darating na Agosto.
Siniguro ni Jet na babalik siyang muli sa ating bansa kahit hindi para sa trabaho.
“Jet Li is the perfect fit for San Miguel Pale Pilsen. The skill and dedication he brings to his craft is indisputable; his off-camera, behind the scenes commitment to global issues and global community is much admired,” sinabi ng President at COO ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang.
Bago umalis si Jet, nakatanggap ito ng tsekeng nagkakahalagang RMB 1 million para sa kanyang Red Cross of China at Jet Li One Foundation Project.
Nag-iwan pa si Jet ng isang mensahe: “Very happy, I am here. We are all one big family.”
Sumikat si Jet sa mga Chinese films na Shaolin Temple, Once Upon a Time in China noong dekada 80. Noong 1998 naman ay na-penetrate niya ang Hollywood nang gumanap siya bilang main villain sa pelikula ni Mel Gibson na Lethal Weapon 4. His other Hollywood films are Romeo Must Die, Kiss of the Dragon, The One, Cradle 2 the Grave, at Danny the Dog. He is now filming The Mummy 3 kung saan siya gaganap ng mahalagang papel.
Source
No comments:
Post a Comment