Jun 26, 2007

Alfie Lorenzo On Wendy

Finally, we're back to business again here on JuiceBee. First up, our favorite topic: Wendy Valdez.
This article of Alfie is quite old, but I just want to repost.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

WENDY NG PBB, MAWE-WENDANG NA NGAYONG GABI?

ITS already given kung si Wendy ay eeksit na sa bahay ni kuya ngayong gabi. Sa sangkatutak na mga emails at text messages condemning sa pasaway na ugali ng babaeng ito, na sinasabi nilang ugaling-Japayuki, eh 100% na ngang uuwi na sa mga bisig ni Ambus Nabet itong maarteng alaga niya.

But the biggest surprise of them all ay take note....kung MANANATILI pa rin sa bahay ni kuya si Wendy para patuloy na magbigay-aliw kay Bruce na nakalimutan na yata ang purpose sa bahay ni kuya at feeling ng bruskong itong gusto naming maging first MALE winner ng PBB ay Sultan siya ng Brunei na inihahainan ng babae on a golden platter!

Mapa-radio/TV and print ay 99% na di magaganda ang mga nasusulat tungkol sa Wendy na ‘yan. Hitsura ni Lolita Solis na combined Bella Flores nung isang gabi na nadidinig niya ang conversation between Big Brother at nina Gian at Bea -aba eh may comment siya sa bawa’t salita, wala siyang pinalagpas na statements na ‘di siya nag-comment. Wala siyang NO COMMENT! Pawang YES! COMMENT siya na pawang kasiraan naman for her fellow housemate na kinaiinisan niya.

Unang-unang napansin kay Wendy more than her ungodly upbringing ay ang paghitit niya ng sigarilyo na mistulang isang ADIK sa MARIJUANA! Pasa-pasahan silang dalawa ni NEL sa paghitit sa isang sigarilyo thus giving the image of a WOMAN OF THE WORLD na hindi na virgin at may VAST experiences na siya sa kamunduhan!

There’s no denying sa mga actions niya which gave her away na patas lang sila ni Keanna Reeves sa kategorya, except for the fact na may humility si Keanna at magaling magpanggap ng paawa! Kaya kung may napakawalan kang AWA para kay Keanna, dito kay Wendy ay rarapiduhan mo siya ng katakut-takot na MURA (AT mahal KAYA?).

Kulang na lang eh magkangkangan sila ni Bruce sa loob ng bahay ni kuya. Magkatabi silang matulog, buong araw magkadikit sila swinging the day away, holding hands palagi as if ang theme song nila, eh HAWAK-KAMAY, ‘di kaya nagkahawak YAGBOLS na rin sila at nagloloko lang ang 24/7 monitor namin kaya ‘di namin nate-taped ang pagpu-PUSH UP nina Bruce at Wendy sa hatinggabi? Sabay din kaya silang mag-SHOWER?

Bago pumasok sa bahay ni kuya ‘yang mga current PBB housemates ay nakapanood na sila ng early editions ng sinalihan nilang show kaya ready na sila kung anong emotions ang pakakawalan nila at the precise moments at kelan manunungkit ng AWA at pababahain ang masaganang CROCODILE TEARS! for the BIG WIN. Care ba nila!

Alam ng mga pumasok sa bahay ni kuya, as in past experiences na LAHAT ng nakasali at pumasok sa bahay ni kuya, eh mga WINNERS ng LAHAT, yes, as in LAHAT-LAHAT sila panalo na, RANKING na lang ang habol nila, kung sino ang BIG winner na magkakaroon ng MILYONES at kotse and house and lot. Who’s gonna be the BIG FOUR is the big question. Pero maging Number 4, Number 3, Number 2 or NUMBER ONE ka man – ‘yung Numbers na ‘yan eh sa bahay ni kuya lang, sa IBANG bahay as in SHOWBIZ HOUSE its an entirely different world. Will you make it to stardom after your Numbers?

Past records proved na ‘yung mga winners ng past housemates never made it to stardom. Sam Milby na early evictee is more popular and richer by now than all the winners! Nasaan na si Kumander Nene? Nanganak na! Mas may show pa ‘yung mga runner-ups niya kesa sa kanya na may house & lot nga, wala namang stardom.

Asan na si Keanna Reeves? Mas active pa sa kanya si Rustom Padilla na kusang nag-exit voluntarily sa PBB, debah? Hayan si John Prats at patuloy ang pagKEMBOT mo!

Star material namang lahat ang mga boys sa PBB edition ngayon, except for NEL. Nnnngggiiiiii!!!! Pero kung ang balak ni kuya ay panalunin si Wendy along with Bruce para LOVETEAM sila, viable lang sila sa PBB house, pero oras na makawala na sila diyan ay hindi sila makakaagapay sa popularidad ng ibang mas mga batang loveteams. Middle of the road na ang edad nila -25 & above. Wala pang sumikat na nagsimula sa ganyang edad.

Shall I say GOODLUCK na lang kina ....Direk Dyogi at Linggit Tan?
Source

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

No comments: