May 7, 2007

My Random Thoughts About Kuya Bruce

Nahihiwagaan na talaga ako sa mga ibang posts na nababasa ko sa pex, pbb, at youtube. Kaya I made some small research through Google (remember kids, Google is your friend lols). Niweis, na-shocked talaga ako. A potential bomb about to explode? Or mere coincidence? This one sa latter part nyo pa mababasa...maybe me and other people are just making a big deal out of it or maybe not...

First, sa 24ur.com, some people have been unscrupulously posting a photo of Bruce's alleged GF in real life whom he recently broke up with through Kuya.
Una, bakit kailangan amag-comment na hindi siya kagandahan? Hindi naman niya pinili maging parte ng buhay ni Bruce and lalo na hindi siya artista or PBB contestant...haay naku...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

^JC daw ang name nya, posted by some UP posters sa Pex na kakilala sila. According sa kanila, mabait daw ang girl na 'to. Five years silang mag-on at sweet daw sila sa isat-isa...sa mga nagsasabi na hindi siya maganda, I read sa ibang posts na dati daw thin ang girl kaya lang nagkasakit siya and kailangan niya mag-steroids hence the gain in weight.

Then natapos ang relationship nila...Heto na ang girl na most recent GF niya, sya yata ang girl na talaga namang sinaktan ni Bruce sa decision nya to break up through TV...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

^ Frances Anne M. Diaz
Isa lang masasabi ko sa iyo girl, magpakatatag ka, nobody deserves to be treated that way...To read more about her heto link: http://www.uaapgames.com/up_cheerleader.shtml

Ang issue ngayon, may ibang posters na parang kakila talaga si Bruce, here's one na isa lang sa mga nice comments about Bruce:

i've known bruce for hmmm, 6 or so years, and what can i say, very very nice guy. down to earth, and such a sweet person. walang ere whatsoever.

nakakatuwa talaga tong mamang to. once he sees you, he'd call your attention, make small talk, and ask how things are. i also appreciate the fact that even if a lot of girls like him, he just seems so unaffected. still the same guy i've known him to be since freshie years. friendly and makulit. and very humble.

i'm proud of this dude.

by yaniyahniyanee of Pex

certainly paulit-ulit na may nagsasabing nice things about him, and mukha ngang humble and kind si Bruce. But on the other side of the coin, meron ding parang may hinanakit sa kanya, please remember na siguro sa dami ng posts na I digested, isa or dalawa lang ang negative comments tungkol kay Bruce:
slamdunk of Pex
hindi sa kung ano pa man, pero sometimes, it's not just about the looks. kaibigan at kabarkada ko si bruce. and as a human being, nagkakamali rin ang tao... pero there are just some things that people should know about him. and those people who tends to like him is just because of his face and physical features. 12 years ko nang kilala yang si bruce. from his ups and downs, nakita ko. at ang pagsali niya sa pbb ay pagpapakita ng kahinaan niya. and to add more, magulo sa showbiz. lahat nauungkat. kapag nangyari iyon, marami na namang taong masasaktan at madadamay. at kung ipinapakita niya ngayon sa loob ng bahay ang pagiging kaibigan, oo, wala akong tutol doon. okey nga siyang kaibigan... at isa pa, sabi nga sa akin ng isa rin naming kabarkada (nung malaman naming kasali na talaga siya sa pbb)... "looks can be very deceiving, pare. sinayang niya yung lahat ng sakripisyo ni #*e*# (referring to her ex-gf for 5 years). p*ch@, kung alam lang niya pinagdadaan ni #*e*# ngayon, dapat mag-isip-isip na siya uli. sigurado ako bro na gulo na naman pinasok ni 'bruskie'."

what i mean is, as bruce's friend, hindi na katanyagan ang dapat niyang hinanap. okey naman kasing mag Flight Attendant na lang siya kung pera lang ang hanap niya for his family. inisip na rin dapat niya ang magiging consequences ng pagsali niya... at teka, balita ko sila pa nung girl na ipinalit niya sa ex niya? bakit wala munang gf-gf ang sinabi niya? mmm... something's fishy, dba?! (parang di na makatotohanan ang pagpaakilala niya agad ng sarili at pagkatao niya sa pbb...) simula pa lang di na totoo ang mga sinabi niya...

basta ang alam ko, sooner or later, bruce will be seating in a hot seat. sana lang this time, totoo na ang lumabas. tama na ng pagiging showbiz. mas maganda pa kasing bumalik na lang siya sa pagiging low profile... di pa magiging complicated ang lahat.

(para na lang kay pareng bruskie... "pare, lingon ka naman sa likod... (alam mo na ibig kong sabihin)!"


Then heto pa,someone posted this on pex, ewan ko kung sino girl na 'to, gf nya?


i accidentally tuned our tv sa 24/7 namin... at narinig ko na bruce is talking about me.

i just wished na sinabi rin ni bruce kung bakit kami talagang nagkatampuhan ng mom niya. at sana sinabi niya kung sino ang dahilan at bakit. hindi sasama ang loob ko sa mom niya noon kung hindi dahil sa isang pangyayari. (HE KNOWS THAT!!! SOBRANG ALAM NIYA KUNG SINO AT ANO ANG DAHILAN NG TAMPUHAN NAMIN NI MOMMY EMIE!!!)

about naman sa pagiging dominant. i don't think ganun ang pagkakakilala sakin ng iba. i took the backseat and supported him. siguro mas matanda ako sa kanya. but that doesnt mean na dominante ako. siya na mismo ang nagsabi sakin dati na hindi na niya ako mahabol dahil graduate na ako tapos nag-MA pa ako. samantalang siya, naiwan na undergrad lang. at alam niyang, kaya ako nag-MA kasi ayaw kong maiwan siya sa school na mag-isa tapos ako nagwo-work na. nung nagwork nga ako (with his permission) bumalik ako ng school dahil may nangyaring di maganda on his part. I was almost thrown out.. (i have all his/the letters to prove what he did).

saka kung about sa mga games, hindi ako insecure (tulad ng sabi ni wendy), i just hope alam niya na at times, nababastos na ako ng ibang fans (no offense po sa inyo). what i mean is, may iba kasing nagpapa-obvious na sobrang gusto nila si bruce at talagang inaasar pa ako sa harap ko pa mismo. (kung gf ka, i do believe na hindi ka rin matutuwa kung makita mong may isang girl na babati lang ng hello, kelangan pang haplusin ang buong dibdib niya... ON NATIONAL TV PA!).

and i don't remember anything about french kissing?! but honestly speaking, ang mga barkada ko nung college (even before pa maging kami ni bruce), talagang ngsma-smack kaming lahat. yun ang way of greeting namin, mapa-lalaki man o babae. we all SMACK not FK. bihira ang beso-beso sa barkada namin. kaya kung magkita man kami ng mga friends ko kung saan, ganun kami bumati (alam niya yun! i explained it to him even before maging kami pa na yung ang batian namin ng barkada ko!). and hindi dahil bf ko na siya that time, babaguhin namin ang batian namin. besides, i'm also like that to my cousins.

nwei, i know there's always two sides in a story. i don't "mind" kung kanino kayo maniwala. but if there are some things na hindi niya sinabi, bruce knows kung ano ang kasalanan niya. and sana, sabihin rin niya yung mga yun! (kung sabihin man niya yun, hindi ko lang din alam kung paano niyo po lahat tatanggapin yun..)

sinabi kong ayoko na ng gulo. kung nagalit man ang dad ko noon sa kanya, siguro mas maiintindihan ninyo kung bakit kapag lumabas na talaga ang totoong nangyari. at kahit masama pa ang naging reaction ng dad ko sa mga nangyari, kahit sinong magulang, magiging matindi talaga ang galit sa ginawa niya.

i think i have kept my mouth shut for a long time already. pagod na po ako. may karapatan rin po ako bilang tao na magsabi ng nararamdaman ko. suwerte lang siya at mas sikat siya kaya alam kong mas maraming maniniwala o makiki-simpatya sa kanya. maliit lang ang boses ko. ako lang din mag-isa ang lumalaban.

sinabi ko rin po na sana maging huling post ko na ang pagsagot ko sa naging tanong ni maroon noon. pero sa tingin ko, mula bukas, maglalakad na naman akong maraming mata ang nakatingin sa akin at magbubulungan.

wala po akong karapatang manghusga sa opinyon at magiging reactions ninyo. wala rin akong balak mag-ala-HOPE (ni james yap) dito.

sa totoo lang po, nakakapagod na. sana kung ano ang totoo, yun na lang lumabas. hindi rin ako perpektong tao. may mali rin ako. at kung may nagdurusa ngayon sa lahat ng nangyari, alam din po ni bruce kung ano ang araw-araw kong iniiyak.

pasensya na at talagang kelangan ko lang po ilabas ang nararamdaman ko. at kung magkatagpo man tayo, hindi ko po ikakasama ng loob kung ano magiging reaksyon niyo. GODBLESS at salamat po.


lastly, pakulo lang ba na nagkita sina Bruce and Wendy sa PBB? Eh they both belong to the same modeling agencies, sa Mercator:
Here are the links, kay Bruce:
http://www.mercatormodels.com/male/models/bruce/index.html
kay Wendy:
http://www.mercatormodels.com/female/talentsa/wendyvaldez/index.html

Siguro nga I went overboard, pero I've seen lang kasi hints about Bruce here and there until my curiosity won over me...heto nga at nakalap ko...it doesn't mean na nakalimutan ko na malinis ang hangarin ni kuya bruce for his family...at hindi naman sa nag-hihimasok ako sa personal life...kaya lang PBB is a game, dapat maging fair kung meron mang lutong makaw...it seems based sa facts above sa Mercator....or paranoid lang siguro ako...isa pa, marami sa current housemates ang hirap din sa buhay...para yatang umpisa pa lang hindi na pantay ang lahat...magtataka pa ba tayo na malaman nating talent na ni Mr. Abunda sina Bruce and Wendy just like with Zanjoe? Evil or Very Mad

take note po, I just collected and pieced together the posted facts above from different sites and forums...try nyo po google and you'll see what i mean...nagtatanong po ako dahil natural inclination lang ng tao...siguro ang meanings ng facts sa thread dito fluff lang...or baka naman hindi...

p.s. guys, nagtagalog na lang ako baka kasi mabasa n banyaga...baka masira pa si bruce sa kanila at mawalan ng chance na tulungan iaangat ang pamilya...atin-atin na lang 'to.

sources:

http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=176401&page=5
http://www.pinoyexchange.com/forums/showthread.php?t=292598

No comments: