Aug 8, 2007

Text message na nakamamatay!

Sino kaya itong wa­lang magawa sa kan­yang buhay ang nag­ka­lat ng nakaka­alar­mang text message na kesyo patay na umano ang kaisa-isang anak ng mag-asawang Ju­lius Babao at Tintin Ber­­sola na si An­tonia?
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Dali-dali naming ti­na­­­wagan ang mag-asa­wa. Unfortunately, nasa

Eu­rope sila at that time. Dahil hindi namin naka­usap sina Tintin at Ju­lius, tinawagan namin si Mario Dumaual ng TV Patrol na agad pina­bu­laanan ang balita.

Aware rin pala si Mario sa kumakalat na balita na isang buwan na uma­nong nagsi-circulate.

Naisip kaya ng nag­kalat ng mapanirang text message na ito ang emotional damage na kanyang nilikha laluna sa mag-asawang Julius at Tintin at sa kanilang mga kaanak at mga kai­bigan? Paano kung may inatake sa puso da­hil sa balitang ito?

Biro ninyo, ang isang ino­senteng anghel ay ‘pinatay’ at naging bik­tima ng isang mapa­nirang text mess­age. Ilang tao na ba ang ‘pinatay’ sa pamama­gitan ng text message?
Aster Amoyo
Pilipino Star Ngayon

No comments: