Aug 6, 2007

Shaina Magdayao prefers a simple debut

Sa November 6 ay magde-debut na si Shaina Magdayao pero hindi siya pabor sa en­grandeng debut.
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
“Kung gagastos din lang ako ng bonggang debut na baka umabot ng P1 million para sa isang gabi lang, hindi yata ito praktikal.

Sa halip, mas gusto kong gamitin ang pera sa

sa pagta-travel at pu­munta sa mga lugar na gusto ko like Italy.

Maa­aring mag­karoon ako ng se­lebras­yon pero wa­lang cotillion,” anang debutante.

Sa kabilang banda, hindi naman nito idini-deny na nanliligaw sa kanya si Rayver Cruz na kasama rin niya sa pelikulang Bahay Kubo.

Sinabi nitong ayaw niyang magmadali sa pagkakaroon ng nobyo at ayaw masaktan gaya nang nangyayari sa kanyang ate Vina.

“Gusto kong mag-enjoy muna sa pagiging da­laga,” dagdag pa nito.
Emy Abuan-Bautista
Pilipino Star Ngayon

No comments: